• Home
  • Fresh Scoops
  • According to reports 14 are dead in the accident, including 2 foreign nationals.

Comedian Tado part of casualties in tragic bus accident

According to reports 14 are dead in the accident, including 2 foreign nationals.

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

02/07/2014 06:30 PM
Comedian Tado part of casualties in tragic bus accident
020714-Tado_Main.jpgKomedyanteng si Arvin “Tado” Jimenez, kasama sa mga nasawi sa bus accident sa Bontoc sa Mountain Province

Ayon sa mga reports, 14 katao kasama ang dalawang foreigners ang namatay, at 31 naman ang injured, nang mahulog ang isang tourist bus sa isang bangin byaheng Mountain Province.

Ang nasabing tourist bus – Florida bus na galing pang Sampaloc, Manila ay may sakay na 45 katao. Sa report ni Senior Superintendent Oliver Enmodias sa Yahoo, bumibyahe raw sa makitid na daan ang bus nang mahulog ito sa may 390 feet kalalim na bangin.

Sabi rin ng local police spokesperson Superintendent Davy Vicente Limmong, pinaghihinalaang human error o isang mechanical problem ang naging sanhi ng malagim na aksidente, dahil wala namang traffic nung oras na iyon at maganda rin ang weather.
020714-Tado2_Main.jpg
Isa sa mga huling picture na pinost ni Tado sa kanyang Instagram account ngayong araw.

Mag-antabay lamang sa PUSH para sa mga karagdagan pang impormasyon.

Photo courtesy of tvrage.com