• Home
  • Fresh Scoops
  • Direct From Darla: Kris Aquino nagreact sa sinasabi ni James Yap na pagka-miss niya kay Bimby

Direct From Darla: Kris Aquino nagreact sa sinasabi ni James Yap na pagka-miss niya kay Bimby

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

2/6/2014 2:06 PM
Direct From Darla: Kris Aquino nagreact sa sinasabi ni James Yap na pagka-miss niya kay Bimby


020614-Kris_Blog.jpg
Matapos lumabas ang bagong pahayag ng basketbolistang si James Yap patungkol sa pagka-miss niya sa anak nila ni Kris Aquino na si Bimby, nagbigay na rin ng kanyang sagot ang Kris TV host sa pictorial, para sa bagong chapter ng kanyang morning show at para sa bagong primetime program nila ni Boy Abunda.

Hindi naman kasalanan ng bata ‘yun, hindi ko rin naman kasalanan, kasi hindi naman nakasaad sa batas, walang legal o personal na dahilan to prevent him from visiting Bimb sa school,” sabi ng Queen of all Media.

Dagdag pa niya, willing din daw siya – maging si Bimby, na magcelebrate si James ng kanyang birthday kasama ang anak. “I realize na 2014, let’s be positive, so I asked Bimb sabi ko, kasi birthday ni James di ba February 15. So sinabi ko ‘honey do you wanna see your papa and celebrate his birthday with him?’ Pumayag naman si Bimb. So it’s really up to James. By all means! Walang problema sa akin, walang problema kay Bimb.”

Pero bago ang birthday ni James, kasabay ng Valentine’s Day ay magdiriwang na rin ng kanyang 43rd birthday si Kris. At isa nga sa mga bagong pasabog niya ay ang primetime show ng most requested balik-tambalan nila ni Boy, ang “Aquino & Abunda Tonight” na magsisimula na sa February 10, right after “The Legal Wife” at bago mag-“The Biggest Loser.”

“Excited, it feels like a full circle moment, and mas maganda because mas ngayon, mabilis lang siya, hindi sila mabo-bored, pero lahat ng gusto nilang malaman makikita nila,” Kris promised.

Sa ibang chika…

How true na itong dalawang kapamilya stars na napapabalitang mag-on na, ay nagkahiwalay na rin daw agad? Pareho silang sikat, at nanggaling sa kani-kanilang controversial “failed relationships.” Ang dahilan ng hiwalayan, halos parehong reason kung bakit hindi nagworkout ang nakaraang relasyon ni girl.

Naghihintay lang ako ng pagkakataon na makausap sila parehas, o makakuha ako ng matibay na proof… kapag na-verify ko na ang chikang ito, ishe-share ko rin sa inyo lahat dito sa Direct from Darla.