Magbubulag-bulagan Ba? - 'Baka pwede pakisabi sa kanya magbayad na siya ng utang!'

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

02/04/2014 06:00 PM
Magbubulag-bulagan Ba? - 'Baka pwede pakisabi sa kanya magbayad na siya ng utang!'
 women.jpg"Baka puwedeng pakisabi sa kanya, magbayad na siya ng utang.  Antagal-tagal na yon.  Kung 'yung P2 million 'yon, in-invest ko sa iba, tumubo na yon, eh.  Eh, siya nga, hininto ko na ang pagtutubo, bayaran na lang niya ako, kaso, pinagtataguan naman niya ako!"
 
Hinaing ito ng isang kaibigan ng female singer na umaawit ng ilang theme song ng telenobela.  Pa'no kasi, ambait daw kausap nito nu'ng una.  Nag-agree sila sa ipapatong na interest, pero hanggang ngayon daw ay nganga siya sa paniningil.
 
 Ni ha, ni ho hindi man lang magparamdam si Female singer, kaya ang naturang naniningil ay nagkaka-alopecia na (spot-spot na panot sa ulo) sa kaiisip kung mababayaran pa ba siya?
 
 "Okay lang kung mabalitaan kong patay na siya, eh.  At least, hindi na ako mag-iisip kung mababayaran pa ba 'ko, di ba?  Pero sana naman, kahit paunti-unti, mabayaran niya 'ko sa P2M niyang utang."
 
 Nag-suggest pa ang inutangan kung puwedeng magsabi siya sa tita ng singer, pero me nagsabi naman daw sa kanya na, "Magkaapelyido lang daw sila, pero hindi naman sila close."
 
 Hindi bale, "manalig" na lang nang bongga ang "lender" na isa sa mga araw na ito, pag bumongga na ang career ng singer ay mababayaran din siya.