• Home
  • Fresh Scoops
  • Julia Montes is very proud of her new teleserye 'Ikaw Lamang' and says that she does not find anything wrong being in a supporting role.

Julia Montes speaks up about supposed 'supporting' role

Julia Montes is very proud of her new teleserye 'Ikaw Lamang' and says that she does not find anything wrong being in a supporting role.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/05/2014 07:57 AM
Julia Montes speaks up about supposed 'supporting' role
020514-Julia_Main.jpgSa pagpirma ni Julia Montes sa bagong kontrata sa ABS-CBN, ibinahagi niya na dati ay napapanood niya lang ang mga contract signings ng tulad ng ginawa niya at nangangarap na mangyari din sana sa kanya. “Siyempre I am so happy kasi before Goin Bulilit days kapag nakakakita ako ng artista na nagsisign parang, ‘Wow, ang galing naman.’ Parang gusto ko ma-experience in the future and ngayon na na-experience ko na, thankful sa ABS-CBN at yun nga na inaalagaan kaming mga artist na lumalabas.

Pinapalabas na ang teaser ng kanyang pinakabagong teleserye na Ikaw Lamang kasama si Kim Chiu, Jake Cuenca at Coco Martin. “Gaya nga ng mga lumalabas na caption sa mga pictures, epic love story siya. So magandang-magandang story talaga. Kaya nung sinabi sa akin yun, go talaga ako. Okay po ako diyan, push natin yan kasi ang ganda-ganda po talaga ng story. Hindi ko alam kung pwede nang sabihin pero yung story po, lahat may meaning… na lahat ng mga manonood susubaybayan nila.

Kinumpirma din niya ang magkatambal dito ay si Coco at Kim. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang pakiramdam na ang dati niyang katambal ay matatambal na sa iba at kasama pa siya sa serye. “Ano kasi gaya ng sabi ko nung inalok sa akin yung role, talagang wala na akong second thoughts, Sabi ko, ‘Ay gusto ko po talaga itong gawin, gawin natin yan. Kahit anong mangyari gawin natin yan push natin ito.’ And the story kasi sobrang ganda ng story. Ang ganda ng story ang ganda ng role ang ganda nung cast, ang ganda ng takbo ng istorya, kaabang-abang kasi siya.

Maraming mga reaksiyon ang lumabas lalo na sa mga social networking sites na mula sa tambalan nila ni Coco tila “supporting” na diumano ang kanyang gagampanan ngayon sa bagong tambalan ni Coco at Kim. “For me naman po, supporting, walang ganun, walang term sa akin na ganun. Kasi for me yung role maganda talaga sobra. Mara Clara days dun ako galing so why not gawin ko ulit ngayon and the role na sinabi sa akin yun nung pinitch sa akin yung story at nung nalaman ko pa kung sino ang makakasama, go na talaga ako kasi ang ganda-ganda talaga ng show, nung buong story nung cast.” 

Kaya naman may mensahe si Julia sa mga fans ng tambalan nila ni Coco. “Normal lang yan basta ang masasabi ko maganda talaga yung story even yung sa role ko abangan niyo kasi talagang maganda talaga siya.”

Maging sa mga tagahanga ng dati niyang katambal na si Enrique Gil ay may nais ding iparating si Julia. “Sa JulQuen, tulad ng lagi kong sinasabi normal lang naman na umiikot kami sa iba’t ibang artist and maliit lang naman po ang showbiz, umiikot lang yan. Malay mo in the future after one show or two shows magkasama ulit kami so abangan na lang ulit nila. And support din personally sa amin.”