• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil says that there is nothing more to the photo but a fan asking for a photo opportunity with him.

Enrique Gil explains the story behind a photo of him kissing a girl

Enrique Gil says that there is nothing more to the photo but a fan asking for a photo opportunity with him.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/04/2014 07:10 AM
Enrique Gil explains the story behind a photo of him kissing a girl
020413-Enrique_Main.jpgPumirma ng two-year contract sa ABS-CBN si Enrique Gil ngunit aminado ang binata na mas matindi ang pressure sa kanya sa ngayon. “Yeah, it just reminds you that you have to keep improving yourself to stay here and you have to prove that you deserve to stay so yun na siguro. The more they keep you, the more that you have to show something better naman this time, to do it better next time.” At aminado si Enrique na mas tumitindi ang pressure na nararamdaman niya, “Yes… It’s work so we have to take it seriously.” 

Mirabella ang unang proyekto ni Enrique sa taong ito at nang kamustahin ng Push.com.ph siya tungkol sa kanyang pinakabagong teleserye, “Its okay. Actually nung una kasi the character medyo mahirap din dahil medyo malabo ang mata so iba ang acting so we worked on it na lang. Emergency lang kasi parang last week lang pinasok, pero everything went well naman as expected. Nag-jive naman ang mga characters so na-preview naman.”

At pagdating naman sa bagong tambalan nila ni Julia Barretto, “I miss working with the Barrettos. First with Gretchen, sabi niya nga alagaan mo, sabi ko ako ang bahala. With Julia okay naman siya, typical girl na makulit sa set but she does her work properly and she really is trying to catch up.”

Marami ang naghihintay kung ano nga ba ang aabangan sa kanilang bagong tambalan. “Marami, marami, Jeremy and Mira’s love team. Let’s see how it goes. Medyo tinitimpla pa but it is going to be okay naman.

Ngunit sa fans ng love team nila ng isa pang Julia, si Julia Montes, marami ang naglalabas ng kanilang hindi pagsang-ayon sa bago niyang ka-love team, lalo na sa mga social networking sites. At alam ni Enrique na may mga fans na hindi maganda ang pagtanggap sa bago niyang katambal. “Oo nga eh. Actually JulQuen pa naman pero ibang Julia nga lang. I don’t know ganun talaga eh, that’s work you have to be paired with other people so yung fans nagkaproblema pero sabi naman kahit magkahiwalay kami malay mo in the future magka-connection kami, okay sila.”

Ngunit aminado naman si Enrique na nami-miss niyang makipagtrabaho kay Julia Montes. “Oo naman. It’s not like we’ve worked one [time only]… and if you work with somebody as a love team of course may pinagsamahan kayo sa show for a long time, you can’t really forget easily ‘di ba?

Nagsalita na rin si Enrique tungkol sa mga kumalat na pictures online kung saan kasama niya si Bangs Garcia. Sa litrato ding yun nakuhanan na hinahalikan niya ang katabi niyang babae sa pisngi na maraming nag-aakalang bago niyang girlfriend na agad namang pinabulaanan ni Enrique. Aniya, “Yes, we were there together as a family for a vacation and I bumped into Bangs and the producer because she was there for a show. Tapos sabi niya, ‘Uy kung gusto mo magsideline, rumaket lang.’ So sabi ko, ‘Why not, let’s go!’ So yun lang nagpa-meet and greet sa club.”

At ang babaeng nakuhanan na kanyang hinahalikan sa pisngi, “Fans yun, fans. Nakapila sila so nasa sofa kami so one by one. Basta mga Pinay na nagsho-show.” At ang kanyang ekspalanasyon sa litrato kung saan hinahalikan niya yung babae, “Kasi yung mga fans na iba, ‘Pa-kiss naman’ so minsan sa iba, ‘Sige.’”