• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado opens up about boyfriend Ben Wintle being jealous about Jhong Hilario

Iza Calzado opens up about boyfriend Ben Wintle being jealous about Jhong Hilario

Iza Calzado admits that her boyfriend is clueless with her newfound love team and asks to not give any reason for her boyfriend to be jealous.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/1/2014 1:25 AM
Iza Calzado opens up about boyfriend Ben Wintle being jealous about Jhong Hilario


022914-iza_main.jpgSa pagiging bahagi ni Iza Calzado ng It’s Showtime family, ibinahagi niyang masayang-masaya siya sa pagkakataong naibigay sa kanya na makapag-host dito.

Nang kamustahin siya ng Push.com.ph dito, aniya, “Hindi ko naman masasabing permanent, who knows. But for now I have been given the opportunity and the task also to fill in kung meron mang mga host na wala kasi busy din sila. Vice (Ganda) is in the States, Anne’s (Curtis) doing Dyesebel and Karylle’s going to get married. So for awhile, for a number of weeks siguro or for months siguro, kailangan nila ng host at isa din itong magandang pagkakataon para sa akin para maipakita ko din yung isang side ko na hindi masyadong seryoso. Kasi kapag nakikita tayo ng ating mga kapamilya, kapag napapanood nila ako laging serious, feeling nga ng iba masungit ako. Pero seriously, hindi lang yun e. Ever since in the past 12 years in the industry, I have been doing really heavy dramatic roles, they have never seen me in a more relaxed atmosphere and to be able to be myself so this is a wonderful opportunity for me para nga ipakita yung kakulitan ko. Kasi minsan sa totoong buhay makulit talaga ako.”

Hindi pa rin makumpirma ni Iza kung permanente na ang pagiging bahagi niya ng noontime show. “Hindi po kasi iba talaga. Hindi yun ang status eh. It is an assignment given to me to fill in for the hosts and promotion for Biggest Loser Pinoy Edition Doubles.”

Ngunit kung sakaling ibigay sa kanya ang pagkakataong maging permanente sa It’s Showtime, ang sagot niya, “Of course, why not? Pero bahala na si God at ang mga boss natin sa network kasi nasasa kanila naman at nasa madlang people din.”

At nagkaroon na nga ng bagong tambalan na JhoZa na love team nila ng co-host din ng It’s Showtime na si Jhong Hilario. Nang kunan ng reaction si Iza tungkol dito, aniya, “Nakakaloka talaga. Wala. What can I say? Alangan naman I say thank you pero nakakatuwa, yun na lang yun.”

Nang matanong ng Push kung napag-usapan na ba nila ng boyfriend niyang si Ben Wintle ang bago niyang ka-love team sa It’s Showtime, ang kwento niya, “Sinabi ko sa kanya, kwinento ko sa kanya kasi tanong niya, ‘Did you have fun on the show?’ Ganyan yan, ganun ang mga tanong niya sa akin. Tapos sinabi ko sa kanya there is a new love team, I said. He said ‘Oh really, what’s it about? Okay good.’ Deadma siya talaga, walang alam eh. Hindi naman kasi hindi nanonood, laging nasa office. Selos? Diyos ko, wala ngang kabahid-bahid ng selos, wala. Sana magselos kahit minsan.” Na agad din namang binawi ni Iza, “Joke lang. Huwag natin bigyan ng rason para magselos yun, fun lang.”c