Ano nga ba ang title ng Coco-Sarah movie?

Happy ang atmosphere sa set ng new Star Cinema movie nina Coco Martin and Sarah Geronimo.

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

2/28/2014 6:37 PM
Ano nga ba ang title ng Coco-Sarah movie?


022814-ogie_main.jpgHappy set lang sa shooting ng Coco Martin-Sarah Geronimo movie kahapon. 

Wala pang naiisip na title ang Star Cinema, pero meron nnang naisip na English title si Direk Jerry Sineneng.

Inglesera dito si Sarah at nandyan pa si Ruffa Gutierrez, kaya ma-imagine n’yong nag-i-Ingles din si Coco na nagbiro pa ng, “Magdudugo ilong sa movie na ‘to.”

Pero ba’t nga ba napasabak sa Inglisan si Coco? ‘Yan ang dapat n’yong abangan.

At bakit ko ba ‘to alam? Eh kasali po kasi ako sa movie at very challenging din ang aking role: isang bading na maid ng yumaman na si Coco.

Di bale, role lang naman. Sana hindi ako pagdudahan. Charot!