Vice Ganda's affidavit refutes Roxanne's claim

Vice swears as a witness for friend Vhong Navarro.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/26/2014 10:00 PM
Vice Ganda's affidavit refutes Roxanne's claim
022614-vice_main.jpgAyon sa report ni Adrian Ayalin sa TV Patrol, pumunta si Vice Ganda sa Pasig Prosecutor's Office para manumpa at patotohanan ang kanyang affidavit na ilalakip na ebidensiya sa counter-affidavit na isusumite ni Vhong Navarro. Ang counter-affidavit ay  kasagutan ng kampo ni Vhong sa kasong rape na isinampa sa kanya ng beauty contestant na si Roxanne Acosta Cabanero.

Sabi ni Vice Ganda, noong April 24, 2010 na sinasabi ni Roxanne Acosta na araw kung kailan siya ginahasa ni Vhong, kasama niya sa Island Cove si Vhong para sa concert niya na "May Nag-Text, May Show Ako!" Kasama diumano niya si Vhong hanggang matapos ang concert dahil isa si Vhong sa mga major guests niya. Hindi naman daw siya na-pressure sa ginawa niya kasi sinabi lang naman niya yung alam niya. At hindi na rin daw siya makakadalo sa Preliminary Investigation ng kaso sapagka't paalis siya ngayong gabi ng February 26 para sa kanyang concert series sa America.

Ayon naman sa prosecutor na si Robinson Landicho, hindi special treatment ang binigay kay Vice Ganda sapagka't napaaga ang pagsusumite nito ng affidavit. Normal lang daw ito dahil ang "importante lang naman ay masumpaan." Nakatakda ang Preliminary Investigation ng kaso sa March 13.

WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM