Nag-react lang daw si Deniece ng mabasa sa affidavit ni Vhong Navarro na may nangyari sa kanila noong January 17 at consensual ito. Hindi naman daw nila ito itinanggi, tahimik lang daw sila noong una tungkol dito.
Sa tanong naman ng mga hosts ng palabas kung bakit pinabalik ni Deniece si Vhong noong January 22, ang naging sagot ni Atty. Calleja ay, "we are stereotyping a character or we are imposing an action that we want the victim to perform." Ayon kay Atty. Calleja, "kailangan natin intindihin ang mga biktima bilang biktima. Kahit na hindi tama ang tingin natin sa ginawa niya, hindi ibig sabihin no'n hindi siya na-rape."
At kaya naman daw nila hinihingi ang full CCTV footage ay aminado diumano ang NBI sa Preliminary Investigation ng kaso na hindi nila maiibigay ang full CCTV footage dahil sa "edited copies" ang dala nila. Hindi raw ito original at hindi authenticated.
Dagdag pa niya, "we have a written confession of Vhong saying that he raped her (Deniece). Unless defunct by a court of jurisdiction, it stands as true, as compared to a CCTV (footage) it has to be authenticated by court before proven."
Tungkol naman sa waiver na hindi magsasampa ng kaso si Deniece laban kay Vhong, sinulat lang daw iyon dahil lamang sa "pagmamakaawa ni Vhong."
Sa kaso raw na ito pinakamaraming natanggap na death threats at bashing si Atty. Calleja. Hiling lang daw niya sa mga bashers niya at ng kanyang mga kliyente ay respeto dahil hindi naman makakatulong sa "idol nila" (Vhong) kung gagamit sila ng masasamang salita.
WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM