Gwapong young actor, isa nang ama

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

02/23/2014 02:24 PM
Gwapong young actor, isa nang ama
022314-boy.jpgAnytime now ay aamin na ang gwapong young actor at ia-announce na niya sa buong mundo na siya ay isa nang ganap na ama.

Kapapanganak pa lang recently ng masuwerteng babae na malapit sa puso ng aktor, pero hindi alam ng publiko.

At ito nga ay ang kanyang tumayong "road manager" na siyempre pa, laging kasa-kasama sa mga raket ng aktor.

Sa totoo lang, hindi ko pa nakikita ang naturang road manager, kaya naaawa na kami agad dito, dahil me mga nagsasabi nang hindi maganda tungkol sa girl.

Yung ibang nakaalam ng balita kasi ay nagsasabing, "Bakit ‘yon? Seksi lang yon, pero hindi kagandahan."

Parang kahit hindi ko naman kaanu-ano yung girl ay teka muna? Porke ba guwapo ang Aktor ay kailangan, sa maganda rin siya mahulog?

Kelan pa naging batayan ang itsura sa pag-ibig?  Feeling ko nga, wala na ring pakialam ang girl o maging ang aktor sa sasabihin ng ibang tao.

Basta kami'y sumasaludo, dahil hindi tinatalikuran ng aktor ang kanyang responsibilidad sa bata.

Kaya nga sinisingil na nito ang dating "hilaw na biyenan" sa utang nito para maitustos sa pangangailangan ng kanyang anak, pero si Biyenang Hilaw ay nagmamalaki pang "niloko" nito ang kanyang dalaga, kaya mapipilitang magsalita ngayon ang aktor sa totoong sitwasyon.

At si Dating Biyenang Hilaw naman daw na "nananadya," ayon sa aking source, "Ang sabihin niya, hindi lang talaga siya marunong magbayad ng utang at wala siyang pambayad sa aktor ng inutang niyang P600k!"

Actually. But anyway, dahil isang proud dad na, markahan natin ang aktor bilang isang "responsible dad!"

Sabi nga ni Mirriam Santiago, "Remarkable!"