Cristine Reyes sa isyung nagkabalikan na sila ni Rayver Cruz: Hindi po

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

02/23/2014 11:05 AM
Cristine Reyes sa isyung nagkabalikan na sila ni Rayver Cruz: Hindi po
022314-cristine.jpgUsap-usapan nitong mga nakaraang araw ang umano’y pagbabalikan nina Cristine Reyes at Rayver Cruz, dahil sa mga napost na pictures nila sa social media. Pero mabilis na itinanggi ng dalawa na sumunod na sila sa balikang Angel Locsin at Luis Manzano.

“Oo nga eh ang daming nagte-text sakin eh, pero hindi. Hindi naman kahit tanungin mo si AA,” ang sabi ni Rayver na sinegundahan naman ni Cristine na ang naging sagot ay : “ah kami, hindi po. Hindi.”

Pinag-uusapan na rin lang ang issue, ipinaliwanag na rin nila ang ini-intrigang pictures nila while they were in Dubai for ASAP.

“Oo sinasamahan ko siya. Yung pictures nga magkasama kami sa mall eh di ba. Actually, kami nina gerald din magkakasama parang kinita namin sina Gerald dun. Madami naman kami pero nung time na ‘yun sinamahan ko siya dahil marami siyang gustong bilhin. Eh siyempre kami ni ano komportable na kami sa bawat isa eh so mas madaling… so sabi ko ako na lang sasama sa ‘yo kesa maghanap ng ibang kasama mo, tulungan nalang kita,” Rayver said.

Pero dahil sa pinagsamahan nila nang humigit-kumulang 2 years, hindi naman itinatanggi ng mag-ex na special pa rin ang trato nila sa isa’t isa, at hindi pwedeng i-dismiss ang possibility na magkabalikan sila.

“Hindi po ako nagsasarado ng pinto, hindi natin alam kung anong tatakbuhin ng panahon, hindi natin alam kung anong tatakbuhin ng future namin pareho so might as well ‘wag muna ako magsalita rin and pangit pangunahan kasi,” according to Cristine.

“S’yempre special si AA sa akin kasi ano ‘yan eh parang 2 years rin kaming nagkasama sobrang naging malapit ako sa kanya, sa pamilya niya, and hindi na matatanggal ‘yun kahit sabihin mong magkaibigan na lang kami, siyempre sobrang special pa rin sa akin nung tao,” pagtatapat ni Rayver na sinusuportahan din ang statement ni Cristine.

“Oo naman super special sa ‘kin si Rayver. Hindi lang friendship eh. More than friendship ‘yung turing ko kay Ray… ah as in like andito pa rin siya talaga,” honest na sabi ni Cristine. Nangangahulugan lang na kahit nagkahiwalay, mahal niya pa rin ang hunk actor higit bilang isang kaibigan. “Hindi yun nawawala.”


022314-Kath.jpgOf course! Daniel Padilla is Kathryn's debut escort! 

Isang buwan na lang, magaganap na ang 18th birthday celebration ng tinaguriang teen queen ng Philippine Showbiz ngayon na si Kathryn Bernardo. Lahat ay excited na sa bagong chapter na magbubukas sa buhay ng other half ng powerful KathNiel tandem. And needless to say, s’yempre naman si Daniel Padilla na ka-exclusively dating niya ang magiging escort ni Kathryn sa special moment sa buhay niyang ito.

“Um, um parang ganun… pupunta siya of course,” ang parang nahihiya pang sagot ni Kath nang matanong siya ng Cinemanews about DJ.

Habang papatapos na ang February, patindi na rin nang patindi ang preparations ng Kathryn debut team.

“Ngayon food tasting na kami, marami pang kailangang ayusin,” Got To Believe’s Chichay shares.

Dahil 18 na siya, natatakot nga kaya o kinakabahan si Kath sa mga bagong parating na challenges sa kanyang buhay?

“Well hindi naman. More on nae-excite rin po and napi-pressure.”

Gaya ng debut ng kahit sino lalo na ng celebrities, nakaabang na rin ang lahat sa isusuot ni Kathryn sa gabi ng kanyang celebration.

“Kaka-meeting pa lang po namin kay Tito Francis (Libiran) so one gown, then change na ako ng isa pang dress,” sabi ni Kath.

Dahil busy pa nga sa taping, wala pa masyadong ma-share na details ang grupo about the Teen Queen’s debut. Pero para sa milyon-milyong supporters ni Kath, ito po ang gusto niyang sabihin, “Abangan na lang kasi maraming preparations na ginagawa para maging maganda yung night na yun.”