• Home
  • Fresh Scoops
  • Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'He violated me, he raped me'

Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'He violated me, he raped me'

The former beauty pageant contestant says she doesn't know Cedric Lee and Deniece Cornejo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/22/2014 12:30 AM
Roxanne Cabanero on Vhong Navarro: 'He violated me, he raped me'


022014-Rox_main.jpgLumabas na si Roxanne Acosta Cabanero, ang babae na nagsampa ng panibagong rape case laban kay Vhong Navarro. Ayun sa kanya, kaya siya lumantad ay dahil sa na-inspire siya sa paglabas ni Deniece Cornejo. “Na-inspire ako sa kanya. Everything, lahat ng nangyari nag-flashback sa akin. I cannot keep this forever and I’ve been living in fear for four years at pagod na akong matakot,” sabi nito sa interview niya sa TV Patrol.

Nangyari diumano ang panggagahasa sa kanya ng komedyante apat na taon na ang nakakaraan. Kandidata siya noon sa isang beauty pageant at naimbitahan siya bilang guest sa It’s Showtime. Pinakuha raw ni Vhong ang kanyang number sa isang babae at matapos noon, nakatanggap siya ng text mula kay Vhong. Ayon kay Roxanne, kinilig siya nang mag-text na si Vhong. Hindi nagtagal, lumabas sila ng aktor para mag-kape at nagulat daw siya nang yayain na siya nito sa isang “private place.” “He threatened me; takot ako. I was young, he violated me..He raped me.”

Sinabi niya ang nangyari sa kanyang kapatid at kabigan pero iniyakan na lang daw nila ito dahil sa takot. Pinagkatiwalaan daw niya si Vhong pero “he turned into a monster.”

Inamin din ni Roxanne na sa loob ng apat na taon, nagte-text pa sa kanya si Vhong at sumasagot pa siya sa mga text nito. Dahil daw sa takot kung kaya “ I stayed friends with him.” 

Watch Video on ABS-CBN.com