• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino says that her sons are getting older and need a father figure to look up to.

Kris Aquino shares her thoughts on her sons spending time with James Yap

Kris Aquino says that her sons are getting older and need a father figure to look up to.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/23/2014 12:30 AM
Kris Aquino shares her thoughts on her sons spending time with James Yap
022314-kis_main.jpgMatapos ang ilang buwang hindi pagkikita, noong nakaraang Sabado, February 15, sa kaarawan ni James Yap, nagkita na silang muli ng anak na si Bimby na kasama si Josh. Nag-post pa si James sa kanyang Instagram account ng litrato nilang tatlo na nakasakay sa motorsiklo na may caption na, “Kumpleto na ang birthday ko. Thank you Lord. #happy #priceless #happiestmoment” 

Nag-post din si Kris Aquino sa kanyang Instagram account ngparehas na picture na pinost din ni James na may caption na mensahe para sa dating asawa. “Happy Birthday, James. Peace, harmony & God’s blessings to you… I am a Mom who has learned to set aside past hurts & I learned how to move on w/ God’s grace because I want my sons to be well adjusted & positive. And that starts with my example. #peace #maturity” 

At sa February 20 episode ng Kris TV, nagsalita na rin si Kris sa naging pagkikita ng mag-ama. Kasama sina Iza Calzado at Erich Gonzales, ibinahagi ng Queen of All Media ang kanyang damdamin sa pagkikita nina James at Bimby at Josh. “No kasi first time ni Bimb to be with James this weekend in more than five months and I felt kung nasa bahay ako hindi siya aalis. I’d rather stay with you ganun and I felt I had to exert the effort to give them a chance. And then parang sabi ko birthday ni James yun ayoko maging half-hearted.”

Ibinahagi din ni Kris na ninais niyang wala siya sa Pilipinas sa pagkikita ng mag-ama. “Parang sinabi ko chance niya ito. And then I explained din to Bimb and then I said because if I’m here you’re going to rush to come home and you [do not want to leave] kasi yun ang nangyari last time bago mag- Christmas because I was home, nag-tantrum. Ayaw talaga umalis, ayaw sumama so yun. Anyway so parang ano I asked him, ‘So when’s the next time that you’re going to be together?’… so sabi ko tama yung sinasabi mo yung stability at yung permanence at yung sinabi mo na hindi pwedeng one time ‘hello hello’ e-effort ka talaga.”

Aminado din si Kris na dapat manggaling sa kanilang mga magulang ang pagsisikap na maging maayos ang lahat. “I think it really comes from the parents alangan naman i-expect mo na yung bata mage-effort, ‘di ba? So dapat yung nanay at tatay gagawa ng paraan.”

Pinuri din siya ng kasamang si Erich patungkol sa pagpapakita ng maturity ni Kris sa estado niya kay James at ng kanyang mga anak. “I know, right? I don’t know what happened right? Hahaha! Biglang nagising ako sabi ko, ‘Oh my God!’”

Ibinahagi din ni Kris na malaking bahagi ng kanyang estado ngayon pagdating sa pagkikita nina James at ng kanyang mga anak ay ang pagkakaroon ng “father figure” ng mga bata. Dagdag pa ni Kris. “Hindi na-feel ko lang talaga… kasi parang lalaki yung anak ko, so parang…” Na agad na dinugtungan ni Iza, “He needs a father figure.” “ Kahit papaano, ‘di ba? Yes I think ano yun kung ako na nagpakita ng maturity, dapat siya rin ‘di ba at umeffort din siya,” sagot ni Kris.

Kaya naman nang sinabi ni Iza na, “Umeffort naman siya this weekend?” Ang sagot ni Kris, “Well okay lang… hindi okay naman! (laughs) Okay na. It’s siguro kasi I just know my sons too well. Masyado kaming sanay na kaming tatlo so parang na-anticipate ko at alam ko kung anong gusto, kung anong ayaw eh. Nandun sila sa getting to know each other [stage] all over again.”