• Home
  • Fresh Scoops
  • The comedian shares his thoughts on fellow 'Showtime' co-hosts Karylle, Vhong Navarro, Coleen Garcia and Billy Crawford.

Vice Ganda on Karylle: 'Unti-unti na akong dumededma, kanina nga kinakausap ko na siya'

The comedian shares his thoughts on fellow 'Showtime' co-hosts Karylle, Vhong Navarro, Coleen Garcia and Billy Crawford.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/20/2014 11:25 PM
Vice Ganda on Karylle: 'Unti-unti na akong dumededma, kanina nga kinakausap ko na siya'
022014-Vice_main.jpgNagsimula ang interview kay Vice Ganda sa Aquino & Abunda Tonight sa pagtutuksuhan ni Kris Aquino at ni Vice tungkol sa kani-kanilang mga “love life.” May nalalapit na concert si Vice Ganda sa Amerika at makakasama niya doon si EJ Falcon. Tinutukso siya ni Kris kay EJ at si Vice naman ibinabalik kay Kris ang kanyang mga tanong katulad ng “kayo, friends ba kayo?” Nilinaw naman ni Vice na dati gusto niya si EJ pero nawala na ang malisya kasi magkaibigan na sila ngayon.

Sumunod ay tinanong ni Boy Abunda ang diumano’y tampuhan sa pagitan ni Karylle at ni Vice. Kwento ni Vice na nagsimula ang kanilang tampuhan sa sobrang maliit na bagay lang. Hindi kasi nakarating si Karylle sa kanyang party at nabasa niya ang mga rason nito sa group chat ng “It’s Showtime” hosts. Ang mga naging rason daw kasi ni Karylle: una, hindi siya invited (kahit alam naman daw nito na lahat sila invited), pangalawa, ay wala itong driver at pangatlo, inamin nito na tinatamad lang talaga ito pumunta. Naging okay naman sila nang may nangyari sa kasamahan sa It’s Showtime na si Vhong Navarro, kaso matapos ito may nakarating daw kay Vice na ikinasakit ng loob niya. Sinabi raw kasi ni Karylle kay Direk Bobet (Vidanes) na ang dahilan ng pag-absent niya sa show ng isang beses ay dahil sa “umiiwas lang ako, kasi si Yael e nao-offend na, at anytime pwede nang pumutok at susugod na.” Ayon kay Vice, ang dahilan daw ng pagka-offend ni Yael ay, “dahil sa dinami-dami ng pwedeng i-pair up sa jowa niya sa bading pa.”

Ayon naman kay Karylle, hindi gano’n ang sinabi niya, pero pinaninindigan daw ni Direk Bobet na ganon ang sinabi ni Karylle. Pagtatapos naman ni Vice ukol sa issue na ito ay “unti-unti na akong dumededma, kanina nga kinakausap ko na siya (Karylle).”

Napag-usapan din bahagya si Vhong at sinabi ni Vice na malungkot siya sa sinapit ni Vhong, kasi madali mawala ang sakit ng katawan pero hindi ang trauma. 

Diretsahan din sinabi ni Vice na ayaw pa niya magkaroon ng girlfriend si Billy (Crawford), hindi dahil sa ayaw niya kay Coleen (Garcia) kundi gusto raw niyang enjoy-in pa ng “best friend” niya ang pagiging single nito. Ani pa ni Vice, alam naman daw niya na “masayang masaya si Billy, ang ganda-ganda ng ngiti niya”

Hindi rin daw sila affected sa sinasabing “the Showtime curse” kasi “nagkataon lang na tutok ang mga tao sa mga nangyayari sa mga buhay namin” at “bakit iisipin ang sumpa e andaming magagandang blessings na nangyayari.”

Watch video here