• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez may kakaibang role sa new movie ni John Lloyd Cruz.

Sylvia Sanchez, tomboy na nanay ni John Lloyd Cruz

Sylvia Sanchez may kakaibang role sa new movie ni John Lloyd Cruz.

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

02/20/2014 05:46 PM
Sylvia Sanchez, tomboy na nanay ni John Lloyd Cruz
sylviasanchez.jpgMadalas na palang mag-out of town ngayon si Edu Manzano.  Lalo na pag me mga kapistahang ginaganap.  Siyempre, pag me mga town fiesta events, maraming tao diyan at marami rin ang makakakita ke Edu.  Nitong huli ay nasa Iloilo si Edu (dahil isang Ilonggo si Edu). 

At sabi ng aming source doon, "Tatakbo si Edu sa 2016 sa pagka-senador!"

Matatandaang lumaban bilang runningmate ni Gibo Teodoro sa 2010 Presidential election si Edu at siyempre, si Binay ang nagwagi bilang vice president.  "Baka makasungkit na ngayon si Edu, dahil 12 senators naman ang kailangan," sey pa ng aking source.

So alin kaya ang mauuna?  Ang pagtakbo ni Edu sa 2016 o ang pag-attend sa kasal ng panganay na si Luis Manzano kay Angel Locsin?  Hindi kaya may "first apo" na siya bago pa dumating ang kampanya?  

O, adelantado lang ako masyado?  Hahahaha!

***

Nanibago ako kay Sylvia Sanchez, kasi, nakita ko sa "Be Careful With My Heart" na parang naka-apple cut na siya. 

"Ah, hindi 'yon para sa Be Careful, Ogs. Para 'yon sa movie na gagawin ko sa Star Cinema with Gretchen Barretto, Richard Gomez, John Lloyd Cruz and Jessy Mendiola na ididirek ni Chito Rono."

Eh, ano ang role niya?

"Ako ang tomboy na nanay ni John Lloyd."

***

I-DINENAY ni Ejay Falcon na nagkakamabutihan na sila ni Sunshine Cruz.  Gulat na sabi niya (sa presscon ng "Thirs-Eye," 

"Hindi naman, Tito Ogs.  Nanay ko 'yon sa Dugong Buhay, eh. No, hindi talaga totoo!"

Okay.  Eh di hindi totoo. Hahahaha!

***

Pag biglang nananahimik ang gay comedian sa set ng kanilang gag show ay isa-isa nang nagpupulasan ang mga kausap niyang co-stars, dahil alam na nila ang ibig sabihin nito.  Uutot na naman ang komedyante.  

"Ambaho pa naman ng utot niyan!" sey ng isang kasama nito sa set.

Bagay din pala sa kumare naming ito ang name niya, dahil 'yun din ang sound ng utot niya. Hahahaha!