• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Pineda says if given the chance, he'd like to be a coach on 'The Voice of the Philippines Season 2'

Arnel Pineda is interested in becoming a coach on 'The Voice of the Philippines'

Arnel Pineda says if given the chance, he'd like to be a coach on 'The Voice of the Philippines Season 2'

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/21/2014 06:35 AM
Arnel Pineda is interested in becoming a coach on 'The Voice of the Philippines'
022114-arnel_main.jpgBalak ni Arnel Pineda na gumawa ng album na exclusive na Philippine release dahil sa suportang kanyang nakuha sa kapwa Pilipino. “I have been working on my original songs para naman makita ng ating mga kababayan ang other side of Arnel. Rock din, rock din siyempre. Kasi ever since na nag-join ako sa band professionally at the age of 15 rock na talaga, I never turned my back on it.”

Maliban sa paggawa ng original compositions para sa kanyang upcoming album, naghahanda na rin si Arnel sa kanyang concert tours kasama ang bandang Journey. “Siyempre as you all know involved ako sa music ng Journey and we always do a tour every year and we will do another set of play dates sa America and tour shows in Canada. It will start May 14 in California and it will last until end of September. We will be doing at least 55 shows all in all.”

Sa panayam kay Lea Salonga kamakailan, nabanggit ng international performer na maging siya ay hindi sigurado kung babalik ang dating The Voice of The Philippines coach na si Apl.de.Ap para sa Season 2 at Kids Edition. Natanong ng Push.com.ph kung sakaling imbitahan si Arnel na maging resident coach ng hit talent and reality show, ang kanyang mabilis na sagot, “I’ll take it! Yes, I’ll take it, if ever. I’ll take it of course; it would be an honor to be a part of The Voice.”

Aminado din ang international rock singer na fan siya ng nasabing programa. “Of course kaya nga nandun ako kasi I’d like to try it kasi I’d like to know how it feels kasi nung bata ako hindi ko kayang ma-experience yan yung i-scrutinize ka ng ibang tao sa pagkanta mo.”

Kaya naman nang tinanong na rin siya ng ibang press kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon, ano ang hahanapin niya sa mga nais mapabilang sa The Voice. Yung voice quality niya. Huli na lang sa akin yung itsura kasi marami na tayong Belo at Calayan so alam mo na. Pero yung talent kasi gift yan eh. Hindi ko naman sinasabi na ang kaganadahan hindi gift pero alam mo naman tayo may iba-iba tayong gift at since The Voice yan I really have to look for the perfect voice to represent.” 

Hindi na rin nakaiwas si Arnel sa patuloy na usapin ngayon tungkol sa kaso ng kaibigang si Vhong Navarro lalo pa at napalapit na rin siya sa host dahil sa madalas nitong pag-guest sa It’s Showtime. Aniya, “Tinweet ko nga siya, I guess i-leave na lang natin siya sa batas. Katulad ng mga sinasabi ng mga friends niya at ako din I believe that justice will be served at kung kanino deserve yun mapupunta yun.

At maging ang kanyang paniniwala sa buong nangyari, “Ang masasabi ko lang he was in wrong place. Alam mo lahat tayo tao lang, we all make mistakes. Admittedly siguro alam niya yan he made a bad call pero him being Vhong Navarro alam natin strong siya at malaki din ang support group niya, and he will bounce back, makakabalik siya and he will make a lot of people be inspired again with what he has experienced.”