Woman surfaces and files rape case against Vhong Navarro

An alleged victim of the actor says she was raped 4 years ago

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/19/2014 11:13 PM
Woman surfaces and files rape case against Vhong Navarro


021914-Vhong-_main.jpgIsang hindi pa pinapangalanang babae ang nagpunta kaninang alas kwatro ng hapon sa Pasig Prosecutor’s Office para sampahan ng kasong rape si Vhong Navarro.

Nagsalita ang abogado ng babae na si Atty. Virgilio Batalla sa Abunda & Aquino Tonight at sinabi nito na noong 2010 naganap ang pangyayari. Sinabi rin ni Atty. Virgilio na hindi kwestiyon ang tagal ng pagsampa ng kaso ng kanyang kliyente dahil sa batas binibigyan ng 20 taon ang isang rape victim para magsampa ng kaso. 

Hindi rin daw masasabi ni Atty. Batalla kung bakit inabot ng apat na taon bago nagsampa ang kanyang kliyente dahil hindi naman niya alam ang damdamin nito. Ang alam lang daw niya ay walang kinalaman ang kanyang kliyente sa kampo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo at naudyok daw itong magsampa ng kaso dahil nakita raw nito sa pamamagitan ni Deniece na pwede pa palang mangyari sa ibang babae ang nangyari sa kanya. 

Ang kampo naman ni Vhong ay nagsalita sa pamamagitan ni Atty. Alma Mallonga at sinabi nito na hindi na sila nasurpresa sa paglutang ng babaeng nag-aakusa ng rape laban kay Vhong dahil diumano nabanggit na noon ni Cedric Lee na may mga babae siyang nakausap na na-rape diumano ni Vhong. 

Malungkot daw si Vhong sa development na ito, ngunit tuloy ang kanilang laban. Wala din daw itong relevance sa mga kaso nila laban kala Cedric, Bernice at Deniece. Expected din daw ng kampo nila na maari pang may mga sumulpot na reklamo laban kay Vhong na katulad nito. Diretsahan din sinabi ni Atty Mallonga na sa opinyon niya “merong koneksyon” ang paglutang ng babaeng ito sa kampo ni Cedric Lee.

WATCH THE VIDEO ON ABS-CBN.COM