Nikki Gil Opens Up About Entertaining "New Love"

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

02/19/2014 09:00 AM
Nikki Gil Opens Up About Entertaining "New Love"
021914.jpgKanina sa Kris TV, kung saan guests sina Pooh at Nikki Gil, for the first time ay nag-open up si Nikki tungkol sa page-entertain niya nga ngayon ng posibleng – kung hindi pa man – bagong pag-ibig sa buhay niya. Hindi nakaiwas ang aktres nang usisain na siya tungkol dito ni Kris Aquino, who happened to see her with the mystery guy, na magka-date sa isang mall. Nagkwento na rin tuloy si Nikki, kung paano niya nakilala itong napapabalitang bagong boyfriend niya.

“How did I meet him? We have a, surprisingly, a lot of common friends and everyone assumed that kilala na namin yung isa’t-isa pero hindi talaga. Pero Ateneo-based pala (Nikki graduated with an English Literature degree from the Ateneo de Manila University).”

This guy, according to Nikki has an “adult job” – referring to a job outside showbiz, na sobrang different sa ginagawa ng mga artista. Natakot ba siyang muling buksan ang puso sa iba, considering the heartbreak she went through?

“You know what, no, surprisingly hindi. Kasi parang alam ko it’s not like that all the time,” ang positive na outlook in life ng aktres. “Parang ito nagkataon lang pero hindi. Love isn’t supposed to be like this hindi siya dapat masakit hindi ka dapat umiyak,” dagdag pa niya referring to her previous relationship.

Kasunod nito ay pinuri naman ni Kris ang guts ni mystery guy, to ask Nikki out on a date. “Ahm yeah. Well nase-stress ako! Yah which is parang that in itself parang nafi-filter na yung ide-date mo kasi parang for them to even come up to you must mean really business and knowing what I came from,” pahayag ni Nikki na tila nahihiya pa sa pagkukwento.

Hindi naman naiwasang maungkat ang ex ni Nikki na si Billy Crawford, na ngayon ay nauugnay naman sa co-host nitong si Coleen Garcia.

“Can you think of him and not feel anger anymore? Ok na?” ang tanong ni Kris. “Oo naman, or I just don’t,” mabilis namang sagot ni Nikki. 

Sa break up na tulad ng sa kanila, kung saan pareho sila ng mundong ginagalawan, hindi ba mahirap mag-move on lalo pa’t marami silang mutual friends? “Actually no,” paglilinaw ni Nikki. “It’s either friends niya na nakikisama lang ako or friends ko. I mean he has a lot but surprisingly it’s not an issue. Naka-move on naman siya ng matiwasay.

Napag-usapan tuloy nina Kris at Pooh ang kahalagahan ng mutual friends para sa couples, para may magsasabi sa isa’t isa ng mga ginagawa nila kapag hindi sila magkasama.

Oo nga naman. Yun na nga... sana may mutual friends kami. Sana ininform niyo ko haha,” pabirong pagsang-ayon ni Nikki.

Si mystery guy ni Nikki, ay high school pa raw huling nagka-girlfriend. 29 years old na ito ngayon, habang si Nikki ay 26. “But he would date. Nagdi-date siya pero kasi feeling ko pag hindi rin ako nag-bf ng matagal ganun din, ako kasi di ako yung type na susubok nang susubok kasi ito na yung gusto ko,” dagdag pa ng MYX VJ.

Aminado naman ito na hindi si mystery guy ang una niyang dinate. She actually dated several guys. “Yes binigyan ko rin naman ng chance yung self ko na… to meet. But kasi hindi talaga, hindi ko kaya i don’t know how to play the game. I tried. I went out, nagdate ako. Wala na yung what does he do? Tatanong ko talaga is he smart, is he godly kasi kung wala yun… so yun pag wala yung mga yun na hinahanap ko parang wag na lang. Waste of time.” Ano yung work, Godly… ano pa nga ba ang hinahanap niya sa guy? “And matangkad haha yun yung mga non-negotiable ko and sana walang history of ano…” sabi ni Nikki.

“It felt right,” pagtatapos ni Nikki, referring to what she felt when she started going out with her mystery guy.