Gwapong actor, may 'bed attitude?'

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

02/17/2014 01:07 PM
Gwapong actor, may 'bed attitude?'
ogie-guy.jpg
Parang halos pare-pareho yata ang tsika ng ilang aktres na nakausap ko tungkol sa "bed attitude" ng isang gwapong aktor.  

Si Actress C as in Cambal, ang tsika: "Ay, he's a good kisser. Sobrang ang tagal-tagal ng halikan namin. Nalolokah ako. Kahit hot na hot ka na at siya din, yun lang talaga ang pakiusap niya, wala munang penetration, so ako naman, 'Ah, ok.’ Ayaw eh. Wala na akong magawa. Nabitin talaga ako, pero ayoko namang ipilit ang gusto kong mangyari. Babae pa rin naman ako para mamilit." 

Si Actress P as in "Pahinga" (ang career), naiinis din. "Lahat, gawin mo na sa kanya sa kama, pero ayaw niya ng penetration." 

At isa lang daw ang dahilan ng di-pagpayag ni Actor Papa kumbakit wala munang penetration: kasi nga, kasalanan daw sa Diyos ‘yon at labag sa pinaniniwalaan nitong relihiyon. ‘Yun daw ang sinasabi nito sa mga aktres na nakaka-bonding nito in bed.  

Weird na kung weird pero ganon siya eh. Buti nga, malakas ang kontrol at hanggang "pagpapa-sing-along" lang ang kaya niyang gawin with all the actresses.  

Pero sobra talagang nanghihinayang ang mga babae kasi ginto na, naging bato pa, dahil "nambibitin" si kuya, hahahaha! 

Clue sa Gwapong Papa? Ayokong mag-I love you sa kanya, kasi baka malagyan lang ng malisya.