Xian Lim inspires young kids at Musicoveries 2014 of the ABS-CBN Philharmonic Orchestra

BY
Kimo Cea

FRESH SCOOPS

02/15/2014 10:00 PM
Xian Lim inspires young kids at Musicoveries 2014 of the ABS-CBN Philharmonic Orchestra
021614-Xian_blog.jpgNagalak ang higit sa 5000 kabataan nang narinig nilang tumugtog ng live si Xian Lim sa kagaganap na Musicoveries 2014 sa Aliw Theater. Hindi inaasahan ng mga kasamahan sa audience na magiging guest si Xian kaya naman lubos ang kanilang kagalakan ng makita ito sa entablado. 

Bago ang kanyang musical pieces, ibinahagi ni Xian sa mga bata ang mga iilang values na kanyang natutunan sa musika. Anya “Music. Maraming naituro sa akin ang music, at ito ang Focus, Dedication, Responsibility at Bonding with family. Kasi imbis na gumimik, naglalakwatsa, may inaaral kang instrumento o pyesa.” Dagdag pa niya “Ang mga values na ito ay na-apply din natin sa ating pag-aaral dahil naeensayo natin ang ating mga utak at maging focus sa lahat ng bagay.” 

Kinilig naman ang lahat ng ikwento ni Xian kung papaano siya nagsimula. Kwento niya, “9 years old akong natutong magpiano. Noong bata pa kasi ako may crush ako sa school, at para maiba gusto ko siyang ligawan sa pamamagitan ng pagtugtog ng piano.”     

Isang kakaibang grand piano performance ang inihandog ni Xian sa mga estudyante. “Mozart-Piano Sonata No.11” at “Be My Ladyang mga pyesang kanyang itinugtog. Para makita ang isa sa kanyang piano performances, bisitahin ang link na ito https://www.youtube.com/watch?v=BiwEMK-6xKY&feature=youtube_gdata_player (Youtube video courtesy of Dolores Masangkay

Alamin din ang iba pang mga proyekto ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pamamagitan ng pag-like ng kanilang Facebook fanpage @ABSphilharmonic at pagsunod sa Twitter