Starting Over Again, naka-P100 Million in three days!

BY
Darla Sauler

FRESH SCOOPS

02/15/2014 05:14 AM
Starting Over Again, naka-P100 Million in three days!
SOA.jpg
Sa pagdiriwang ng Valentine’s Day nung Friday – na sumabay pa sa pay day ng karamihan, tila nagkasundo ang lahat sa gagawin: manood ng "Starting Over Again," na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga at sa direksyon ni Inang, Olivia Lamasan. Nakakagulat ang naging resulta sa box office noong araw na iyon, dahil agad-agad, lumampas na sa P100 Million mark ang pelikula! Naku, kasama na kami sa nakapagpa-P100M dahil nanood din kami noong Friday, at sulit na sulit ang pagmamadali namin dahil talagang may ibang tama sa puso ang movie na ito.

Last Friday habang nasa sinehan kami ay nasa airport naman sina Piolo at Toni, na lumipad patungong US para sa screening ng movie doon. Pero kahit nasa US ngayon, hindi pwedeng hindi nila maipaabot ang kanilang pasasalamat. Nagpadala ng text messages ang dalawa, at heto po ang kanilang gustong sabihin sa inyong lahat.

Mula kay Toni :
Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat. This movie was worth 13 years of waiting. God’s perfect time is always the best. Thank you everyone for being brave enough to appreciate what our film has to offer You made our first movie ni Piolo my most unforgettable film ever. I will always be grateful. To God be the glory.”

Mula naman kay Piolo :
“To everyone who came out and supported our film and bore the long lines, sitting in front of the movie house just to be able to watch the film… Thank you very much for believing and extending your support to Star Cinema and everyone who’s part of this project… We’re all humbled by your love… And as we celebrate Valentine’s, may we continue to spread love and harbor good feelings toward everyone… Mabuhay ang pelikulang Pilipino! To God be the glory!”