• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap says its not yet time for his son Bimby and his girlfriend Michela Cazzola to meet each other.

James Yap does not want his son and his Italian girlfriend to meet yet

James Yap says its not yet time for his son Bimby and his girlfriend Michela Cazzola to meet each other.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/15/2014 03:17 AM
James Yap does not want his son and his Italian girlfriend to meet yet
021514-James_main.jpgSa pagkapanalo ni James Yap sa Game 7 ng PBA nitong nakaraang Miyerkules, February 12, aminado ang basketbolista na nahirapan siya sa naging laban nila sa team ng Ginebra San Miguel. “Ganun naman talaga kapag semi-finlas, ineexpect mo talaga na mahirap ang laban especially Ginebra pa.”

Ngunit sa score na 110-87 hindi na naitago pa ni James ang saya lalo pa at inaalay niya ang kanyang pagkapanalo sa anak na si Bimby. “Sobrang saya dahil nanalo at yung experience kasi ang sarap ng feeling kasi ang daming nanonood so kumbaga yung adrenalin mo feeling mo sa loob ng court para kang lumilipad.”

Ngunit nabalutan ng kontrobersiya ang Game 6 nang kumalat ang balita lalo na sa mga social networking sites na binenta diumano ni James ang laban sa kalabang koponan na noong una’y kinukuha pa ni James sa biro na tila hindi alam ang balita. “Meron bang ganun? Kanino nanggaling? Ano ba yun yung foul? Na hangin yung natamaan ko?” Ngunit agad naman nitong dinepensahan ang sarili at itinanggi ang mga kumakalat na balita. “Hindi naman totoo yun. Of course kung isa ka sa mga inaasahan sa team, kung meron kang nagawa na hindi maganda although ang sabi ng marami na wala namang foul, so hindi naman natin ma-please ang tao.”

Agad din dinepensahan ng kanyang dating asawa na si Kris Aquino ang paratang na ito kay James sa kanilang show ni Boy Abunda. Sa nalaman ni James na pagtatanggol sa kanya ni Kris, aminado ang basketbolista na nagulat siya pero nagpapasalamat sa ginawa ng dating asawa para sa kanya. “Wow! Thank you, thank you! Na-surprise ako dun.” 

Sa February 15 ay ipagdiriwang din ni James ang kanyang kaarawan at kinumpirma niyang sa araw na ito ay magkikita na rin sila ng anak niyang si Bimby matapos ang matagal na panahong hindi sila nagkasama. “Excited lang ako kasi makakasama ko yung anak ko sa birthday ko mismo so yun bonding kasi matagal ko na rin hindi nakasama yung anak ko. Kasama si Josh at excited din ako kasi siyempre si Josh mabait yun eh, nakasama ko din ng ilang taon yun, lumaki din sa akin ng ilang taon yun so talagang excited ako at sobrang payat daw ngayon so kapag nakikita ako niyan sinasabi niya mag-drive kami, nagda-drive kami.”

Ibinahagi din ni James ang kanyang plano sa araw na ito. “Actually merienda lang pero happy na din ako dun parang hindi ko sure na ito yung first na makasama ko yung anak ko sa birthday ko mismo. So siguro ito yung first.”

Ngunit nang matanong kung pagkakataon na rin ba niyang maipakilala kay Bimby ang kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola, ang agad na sagot ni James tungkol dito, “Hindi muna dahil siyempre matagal kong hindi nakasama yung anak ko. Solo muna, moment namin dalawa, mahirap naman yung madistract pa yung bata so kami lang tatlo nina Josh.” 

Aminado din ang basketbolista na kinakabahan ito sa muling pagkikita ng kanilang anak ni Kris. “Meron, meron kasi siyempre hindi maiiwasan yung ilangan kasi kahit anak mo yun hindi mo maiwasan dahil matagal mong hindi nakasama. Kailangan may mangyari na talaga ngayong Sabado.” 

Sa muling pagsasama nilang mag-ama, umaasa si James na simula na ito ng tuloy-tuloy nilang pagkikita ng anak at pagkakaayos nila ng dating asawa. “Sana, sana ito yung start dahil ito din naman yung pinegpepray ko dati na maging okay ang lahat kasi mahirap ang magkaaway ‘di ba? May anak kami eh, buti sana kung wala bahala na ‘di ba? So sana siguro magkabati kung hindi man siguro ngayon in the future. Siyempre malaki na din yung anak namin, nagkakaisip. Mas nakakahiya naman sa anak namin kung yung nanay at tatay niya nagaaway ‘di ba? Baka kami yung paluin sa pwet.” 

At sa kanyang kaarawan ang natatanging hiling ni James, “Oo heto talaga na sana maging okay na lahat kasi mahirap yung pinagdaanan namin. Mahirap sana ito na yun na okay na lahat.”