• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga believes being sexually compatible should not be a condition to loving a person.

Toni on sex before marriage: 'I think love should be greater than your lust for each other'

Toni Gonzaga believes being sexually compatible should not be a condition to loving a person.

BY
Patty Ramirez

FRESH SCOOPS

02/13/2014 01:18 PM
Toni on sex before marriage: 'I think love should be greater than your lust for each other'
021314-Toni_Main.jpgBinati ni Boy Abunda at Kris Aquino si Toni Gonzaga sa tagumpay ng pelikula nitong “Starting Over Again” na kumita ng 20 million sa unang araw nito. Hindi ito biro ayon kay Kris kasi nag-open ang pelikula ng regular weekday. 

Sa guesting ni Toni sa “Aquino & Abunda Tonight,” tinanong din ni Boy sa aktres kung ano ang ibig sabihin ng post ng nobyo niya na si Direk Paul Soriano sa Instagram na “the best has just begun” na may hashtag na ‘soon.’ Nilinaw ni Toni na hindi sa kanya nagpropose si Direk Paul sa New York at ang sinasabi nitong ‘soon’ ay ang plano nilang pag-explore ng mundo. Kinwento ni Toni na kaya kasama niya at ng pamilya niya noon si Paul sa New York ay dahil pinadaan niya ito noon galing sa California. 

Walang kaabog-abog na tinanong ni Boy kung pinapayagan sila ng parents ni Toni to stay in the same room at sabi ni Toni, “Honestly, hindi. Ganoon sila ka-conservative.” Sinasabi raw ng parents niya na para ito, “irespeto ka ng mapapangasawa mo saka ng mga tao sa paligid mo.”

Inamin naman ni Toni na sobrang hirap siya na panindigan ito at para daw makaiwas sila ng kanyang nobyo sa temptasyon e hindi nila nilalagay ang kanilang sarili sa “ganoong” sitwasyon. 

Tinanong naman ni Boy kung paano kung after marriage saka nila malaman na hindi sila sexually compatible? Ang sagot ni Toni ay, “Ako kasi paniniwala ko Tito Boy, at saka kung paano rin ako pinalaki, I think love should be greater than your lust for each other.” Mariin din na sinabi ni Toni na, “Naniniwala ako that love should be unconditional. Hindi porke mahal mo ang isang tao, ang kondisyon mo dapat sexually compatible tayo. I think that love should be the strong foundation of a marriage.”

Sang-ayon naman si Toni kay Boy at Kris na sex is very important at obligasyon niya ito sa asawa niya “pero ang bagay na yan napagta-trabahuhan yan. May mga libro, may mga seminar a-attend ako kung kinakailangan, gagawin ko lahat yan.” 

Dagdag pa niya, “At the end of the day, love conquers all, because I believe that, God intended two people to get married for partnership” at hindi lang para sa sex.