• Home
  • Fresh Scoops
  • Direct From Darla: Ejay Falcon, bagong special someone ni Vice Ganda?

Direct From Darla: Ejay Falcon, bagong special someone ni Vice Ganda?

Tinotohanan na nga ba ni Vice ang crush niya kay Ejay?

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

2/12/2014 1:10 PM
Direct From Darla: Ejay Falcon, bagong special someone ni Vice Ganda?


020614-Ejay_Blog.jpg

Matapos silang magsama sa box office hit movie na “Girl, Boy, Bakla Tomboy” – kung saan aminado naman si Vice Ganda na personal niyang ini-request si Ejay Falcon bilang isa sa kanyang leading men…  nagsimula na ang bulung-bulungan na may namumuo raw na romantic relationship ang dalawa.

Sa interview kay Vice Ganda ng “Cinemanews,” nagulat ito sa isyu at ipinaliwanag ang relasyon nila ng kapamilya hunk. “Ako? Nabigla ako nali-link pala ako kay Ejay Falcon. Hindi ko alam. Nakakatawa, nakakatawa ‘yun. Siguro dahil kasama ko siya sa pelikula tapos kasama ko siya dun sa tour (i-Vice Ganda mo ako sa Amerika). Kasi gusto ko ‘pag kasama ko sa tour, ‘yung barkada ko para masaya. Close ko ‘yun eh, nakakasama ko lumabas.

Pero hindi naman idine-deny ng unkabogable star na meron talaga siyang someone special ngayon, na nagpapabilis ng tibok ng puso niya.

“Masaya. Masayang-masaya. Masarap tumawa. (kasi may inspirasyon?) Oo,  inspirasyon tsaka walang problema ‘yung puso ko sabi ko nga parang mapalad ako kasi maayos ‘yung career ko , maayos ‘yung sarili ko, yung pamilya ko, ‘yung puso ko hindi ako masyadong stressed ngayon. Si Vhong (Navarro) lang ang stress ko talaga. Na-stress ako sa mga eksena kay Vhong eh,” pag-amin ni Vice.

Nilinaw din niya kung bakit hanggang ngayon, hindi niya inire-reveal kung sino ang mystery guy na ito. “Eto ngang hindi naman nila kilala ‘di ba maya’t maya tampulan ng chika ‘di ba? Nauungkat nang nauungkat, nahahalukay lalo na siguro kung alam na nila yung pangalan. Siguro ‘yung buong pamilya nito napag-usapan na, hinusgahan na, hindi na siya lalo nakakilos.

Tinext ko naman si Ejay to inform him about the issue at para hingin na rin ang reaction niya. “Hahaha nagulat at natatawa po, kaibigan ko po ‘yan si Vice. J Kasi kung si Vice nga sabi niya may special someone siya matagal na bago pa kami magkawork sa Girl, Boy movie. Kaibigan ko ‘yun. Lahat naman kaibigan niya eh. Thank you Darla,” sagot sa akin ng super hot na si Ejay – na crush ko. Hihihi.