• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado is all praises for Toni Gonzaga's performance in 'Starting Over Again.'

Iza Calzado wants people to stop making comparisons between her and Toni Gonzaga

Iza Calzado is all praises for Toni Gonzaga's performance in 'Starting Over Again.'

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/11/2014 09:43 AM
Iza Calzado wants people to stop making comparisons between her and Toni Gonzaga
021114-Iza_Main.jpgMarami na nga ang nag-aabang sa Valentine movie offering ng Star Cinema na Starting Over Again na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga kung saan kabilang si Iza Calzado. Sa bloggers conference ng pelikulang ito, ibinahagi ni Iza ang ilan sa mga bagay na dahilan ng kanyang excitement sa pelikulang ito.

“I was excited with the prospect of working with Inang (movie director Olivia Lamasan) and doing it makes me very excited everyday going to work, knowing that I was going to be directed by Inang Olive. Working with Toni Gonzaga was a first for me in acting, and then getting another chance to work with Piolo was also very exciting for me.

“I know that my character plays a very crucial, vital part of the film and knowing that excites me more. And of course all the actors I must say although I have not yet seen the entire film but working with everybody working on the set tapos may nakita na akong ibang parts, ang ganda ng story and sana magustuhan din ng tao yung pagkatotoo nung film.” 

Aminado din si Iza na kahit matagal na silang nagkasama at magkakilala ni Toni, mas naging malapit sila nang dahil sa pelikulang ito. “Feeling ko mas napalapit ako kay Toni dito kasi parang before that kapag nagkikita kami sa ASAP siyempre friends kami although dun sa kabila [na network] naman magkaibigan kami. Although matagal din kaming hindi nagkita dahil magkaiba din kami ng workplace before, hindi na kami naging super close pero dahil dito marami kaming naging bonding moments ni Toni na sobrang nakakatuwa kasi I have always liked her before pa. Before pa ako nag-transfer dito sobrang gusto ko na siya na tuwang-tuwa ako sa kanya so it’s nice that somehow the friendship is now somehow stronger.”

Bago pa man ipalabas ang pelikula, may mga reaksiyon ng kanya-kanyang mga tagasubaybay sa social media na tila nagkakaroon ng sapawan ang dalawa sa eksena na agad na sinagot ni Iza. “Grabe, alam mo ang masasabi ko lang primarily this is Toni’s film. Let’s not do that because first of all I have to support her character. That is part of my job, this is not who’s better. We are playing totally different characters and her character will not stand if [mine] is not there and vice versa. And so will Piolo’s character if Toni and I are not there. Hindi ako nakakabasa eh pero it’s but natural in show business that they tend to do that, comparison.”

Dagdag pa ni Iza, “Sa amin, Toni and I when we were doing the film I never once felt that she was trying to outshine me nor I hope that she felt I was not trying to make her feel intimidated or anything because we both know our capacity and we are both, I think, confident about it. Alam naman namin, hindi namin kailangang maging insecure sa isa’t isa at walang parte na kahit nagco-confontation kami, suportahan nga eh, kasi malalaman mo naman siguro kung yung isa ayaw magbigay ‘di ba? Pero wala dito, bigayan kami dito at masasabi ko po sobrang galing ni Toni sa pelikulang ito.” 

Sabay na rin dito, natanong si Iza tungkol sa diumano’y pagiging kabilang na niya sa It’s Showtime na hindi itinanggi o inamin ng aktres. “That is not yet confirmed, I cannot discuss that as of yet it is not yet confirmed and I haven’t received a [word].” At sa tanong na paano niya nakikita ang sarili niya na nagho-host ng Showtime, “Tignan na lang natin. Sagutin ko yan kung magkatotoo nga kasi it’s hard also baka ma-jinx so we don’t really know so let's just wish on whatever is best for me. That’s my wish lang for this year and the years to come, and for you also.”