At sa nangyari kay Vhong, naging usap-usapan tuloy sa mga social media sites ang tila pagkakasunod-sunod ng mga hindi masyadong magagandang nangyayari sa kanilang mga It’s Showtime hosts. Nauna si Vice Ganda sa naging kontrobersiya niya sa TV journalist na si Jessica Soho, si Billy Crawford sa isyu ng tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Nikki Gil, at ni Anne Curtis sa insidenteng nangyari sa kanya sa isang bar sa The Fort. Nagbigay naman ng reaksiyon si Anne dito. “What I have been telling people is we are just like ordinary people including you guys na I am sure meron din kayong pinagdaanan na matindi in the past na ‘Makakayanan ko ba ito?’ But we are all human beings and it just so happens that we are in the limelight kasi and sunod-sunod, so you know I wouldn’t say na, ‘Ano ba yan, chain reaction ganyan, ganyan.’ it happens and what’s good is that we have each other.”
Masaya din si Anne na unti-unti nang gumagaling at gumagaan ang kalagayan ng kaibigang si Vhong. “I am so happy for him and yun, he knows naman that we are all here for him.”
Sa kontrobersiyang nangyari kay Anne, aminado ito na malaki ang kanyang natutunan sa nangyaring ito sa kanya. “You know what, it’s not the first time na may nangyari sa akin na lesson learned. It is something that exactly, it’s a lesson learned and you just add that to experience.”
Sa ngayon, masasabi ni Anne na napagtatawanan na lang niya ang nangyari sa kanya noong nakaraang taon. “Definitely. Alam mo kasi, yung totoo kasi diyan, kaming lahat the next day okay lang at lahat kami okay na. Nung lumabas lang talaga things were blown out of proportion na talaga. You just got to learn to deal with it and accept it for what it is and just keep on going so life goes on and you have to move on and that is exactly what I did and you know I just kept on praying for a positive 2014 and God is good so I am forever grateful na talaga.”