• Home
  • Fresh Scoops
  • Marian Rivera on having kids: ‘Agad-agad dapat magka-baby na kami pagka ‘I do’ namin’

Marian Rivera on having kids: ‘Agad-agad dapat magka-baby na kami pagka ‘I do’ namin’

The actress is excited to have kids with soon-to-be hubby Dingdong Dantes.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2014 12:22 PM
Marian Rivera on having kids: ‘Agad-agad dapat magka-baby na kami pagka ‘I do’ namin’


120914-marian-main.jpgMore than two weeks bago ang binansagan na “Royal Wedding” ng showbiz couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, naglaan pa rin ng oras si Dingdong para sa mga kababayan na apektado ng kalamidad sa Visayas region. Dito sinabi ni marian sa ating interview na mas nai-in-love siya sa kanyang future husband.  

“Lalo ako humahanga sa kanya kasi instead na nandito siya at nagpi prepare ng kasal naming nandoon talaga siya para abisuhan ang mga kababayan natin para mag ingat at sabihan ang mga kababayan natin ng mga dapat nila gawin para aware sila at least para yung nangyari sa Yolanda ay maiwasan na talaga.”

Kahit halos kadikit ng kanilang kasal ang Pasko, hindi daw nito ma-o-overshadow ang pinaka masayang okasyon buong taon.

“Sa Christmas ganun pa rin, sa 24 sa kanila, sa 25 sa Cavite pa rin kami. Hindi pwede kalimutan ang Pasko isa yan sa mga sine celebrate namin at kailangan talaga na ipagdiwang talaga. Sa New Year kasama ko si Papa kasi uuwi dito si Papa siya naman ang kasama ko.”

Plano ni Marian at Dingdong na magkaroon ng maraming anak. Kaya sagot ni Marian, sana magka-baby na sila agad-agad.

“Sabi ko nga agad-agad dapat magka-baby na kami pagka ‘I do’ namin yun na yun. Sana bigyan kami ng Panginoon ng pagkakataon na magka anak talaga dahil ang anak blessing talaga yan eh hindi pwede na gusto mo ang mangyayari sa iyo kusa yan na ibibigay ng Panginoon.”

Dahil “Royal Wedding” ang kanilang kasal, maraming segments ng kasalan ang kumalakat na magaganap pero hindi ito ma confirm ni Marian dahil si Dingdong daw ang lahat ng nag asikaso nito. 

“Hindi ako makapag bigay ng specifics ng mga detalye kung ano ang mangyayari alam ko kung ano ang magaganap pero si Dong ang lahat ng nag asikaso kaya hindi ko talaga alam so looking forward talaga ako. Gusto kasi naming na ma imbita ang lahat ng tao na nagmamahal sa amin kaya halos talaga lahat nandoon pero ewan ko lang kung kakayanin hindi pa naming alam.”

Madadagdagan na nga ba ng “Dantes” ang kanyang screen name after the wedding?

“Bilang artista nakilala po ako as Marian Rivera pero sa personal at totoong buhay Dantes naman po ang gagamitin ko. Doon sa invitation namin na naipamigay may nakalagay doon na lahat ng gusto nila ibigay na gift ay huwag na kumbaga mas ma appreciate naming kung ibibigay na lang lahat sa charity at sa Yes Pinoy foundation.”

Sa ngayon pitong bridal showers na ang nagaganap para kay Marian at pinagpapasalamat niya ito dahil marami ang nagmamahal sa kanila ni Dong.