Kris Aquino talks about having a ‘holographic will’

Kris Aquino talks to Boy Abunda about getting a holographic will.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

12/9/2014 11:53 PM
Kris Aquino talks about having a ‘holographic will’


120914-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, dahil sa pagpapakasal ng singer na si Aiza Seguerra kay Liza Dino ngayon, December 9, napag-usapan ng hosts na si Kris Aquino at Boy Abunda ang tungkol sa posibleng pagpapakasal ni Boy sa kanyang long time partner na si Bong Quintana.
 
Ayon kay Boy, 31 years na silang magkasama ni Bong at napag-planuhan na rin nila ang pagpapakasal noon pero sa ngayon iniisip ni Boy na, “if it’s meant to happen it will happen.”
 
Nagpahayag rin si Boy ng kanyang opinyon tungkol sa kalagayan ng mga gay couples katulad nila ni Bong. Mahirap diumano ang lagay ng mga gay couples kasi kung may mamatay sa kanila ay, “ni wala kaming karapatan sa isa’t isa.”
 
Tinanong naman ni Kris kung meron nang holographic will si Boy. Si Angel Locsin diumano ang nangulit sa Queen of All Media na mag-secure ng isang holographic will dahil byahe siya nang byahe. Dagdag pa ni Kris kailangan raw na ang isang holographic will ay, “handwritten, dated at may isang witness.”   Kailangan rin na ang handwriting ay, “tugma kung paano ka mag-signature.”
 
Sinabi naman ni Boy na magse-secure rin siya ng isang holographic will sa lalong madaling panahon.
 
Kaya nga raw isinusulong ni Boy ang “civil union, domestic partnership and eventually marriage” para sa LGBT community dahil ang pag-iisang dibdib ay isang “commitment and a promise to love each other."