• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca says he hopes to patch things up with Chanel Thomas

Jake Cuenca says he hopes to patch things up with Chanel Thomas

The actor says he's not a perfect guy.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/9/2014 6:55 AM
Jake Cuenca says he hopes to patch things up with Chanel Thomas


120814-jake_main.jpgIlang linggo pa lang nakakabalik ng Pilipinas si Jake Cuenca mula sa pag-aaral niya ng Method Acting sa New York pero ratsada na agad siya sa trabaho. Nagsimula na siyang mag-taping for Pasion de Amor kasama sina Ejay Falcon, Ellen Adarna, Arci Munoz, Coleen Garcia at Joseph Marco. 
 
Busy rin siya sa pagpo-promote ng latest indie film niyang Mulat na kasali sa Metro Manila Film Festival New Section na mapapanood from Dec. 17 to 24 sa SM Megamall at Glorietta cinema.
 
“Bitin nga, eh. Gusto ko pa sanang mag-aral kaso kailangan ko nang bumalik para magtrabaho. Baka next year, mas matagal akong mag-aaral,” simulang pahayag ni Jake.
 
“Doon sa New York, sobrang na-enjoy ko ang pagiging estudyante, pumapasok, nag-a-attend ng class and meeting different kind of people. Ang saya lang kasi normal lang yung life ko don,” patuloy pa niya.
 
While in New York, umatend na rin si Jake ng awards night ng International Filmfest in Manhattan kung saan entry ang pelikula niyang Mulat na idinirek ni Diane Ventura. Luckily, he won the Best Actor trophy.
 
I was really so surprised when my name was called,” masayang kuwento ng aktor.  “I was there to take up acting, nataon lang na nandun ako when the filmfest was held, so big bonus for me ang pananalo ko,” dagdag pa niya.
 
Aminado si Jake na palaging nagkakaroon ng conflict ang schedules niya habang ginagawa ang pelikula. “Nahirapan sila sa akin, kasi during that time,  I was also busy taping for Ikaw Lamang. But they worked around my schedule. Thanks Direk (Diane),” sabi pa niya.
 
Natanong din si Jake kung ano ang pakiramdam niya na hindi siya nananalo sa Star Awards for his brilliant performance as Franco in Ikaw Lamang. Ayon sa kanya, “I didn’t win. Nag-expect ako, so I was really disappointed kaya I will never expect again. Move on na lang tayo.”


Kinumusta na rin namin kung ano ang natutunan niya sa pag-aaral niya ng Method Acting sa New York at ito ang sinabi niya.
 
It gave me a deeper understanding of the craft of acting. One month lang ako roon and it went so fast. Parang back to basics ang nangyari sa akin kasi kinakabahan ako uli,”  proud niyang pahayag.
 
More than film and TV acting, they respect acting in theatre , so I really want to try doing theatre this year kasi iba talaga ang response ng live audience. The experience is very inspirational for me and also a confirmation na tama ‘yung personal thoughts and direction ko about acting,” dagdag pa niya.
 
Sa Mulat, Jake’s character’s name is also Jake. Siya ang “other man” ni Sam, played by newcomer actress Loren Burgos.
 
“Oo nga, Jake din. Hahaha! Sana suportahan nila ang pelikula namin,” pakiusap pa ng aktor.


Tungkol naman sa break-up nila Australian model GF niyang si Chanel Thomas, nagbigay din ng reaksyon si Jake.


 “I admit naman I’m not the perfect guy when it comes to relationships. Mahirap kasi malayo.  I was away for more than a month. But we’re still friends and I’m hoping she’ll give me another chance... Sana this Christimas, di ba?” he said.