• Home
  • Fresh Scoops
  • Young actress, may one-sided love para sa kanyang dating ka-love team?

Young actress, may one-sided love para sa kanyang dating ka-love team?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

12/7/2014 11:04 PM
Young actress, may one-sided love para sa kanyang dating ka-love team?


120714-ogiepost_main.jpgSobrang type pala ng isang young actress ang isang guwapong bagets actor. 

Mula nang magkasama sila bilang love team sa isang teleserye ay doon na-develop ang feelings ni girl kay boy. 

Kaso lang, parang hindi nararamdaman ni girl na may gusto sa kanya si boy. But despite that, tuloy pa rin ang lihim na pagkagusto ni girl kay boy. 

At dahil sa sobrang selos ng girl sa mga babaeng nilalapitan ng dati niyang ka-love team, dumating sa point na tuwing magkikita sila ni boy sa mga showbiz gatherings ay dinadaan-daanan na lang ni girl si boy. 

O di kaya kapag wala nang chance na makaatras si girl sa pagkikita nila ng gwapong young actor ay iirap na lang ang girl sabay walkout.

"Ang tagal na rin kasing may gusto si girl kay boy eh. Kaso, talagang dedma si boy. Hindi niya type talaga si girl at hanggang magkaibigan lang sila. Kaso nga, ayaw ni girl, gusto niya, more than friends," say pa ng isang bagets actor na common friend ng dalawa.

"Nako, Tito Ogs, nu'ng one time, sa sobrang selos at inis ni girl, hindi kinaya. Naglasing siya at nagdayalog sa mga friends na, "I like him, but he doesn't like me!"
Super mega effort naman si bagets to make friends with the girl, but our source said, "Tito Ogs, lalaki rin ako. Ewan ko ha? Baka may nangyari na, kaya yung girl ngayon ang naghahabol, hindi kaya?"

Oh, well, I really don't know. Pero sana naman, na-get over na ni girl si boy by this time.

Saka if I were the girl (na imposibleng maging girl ako, charot!), magko-concentrate ako sa aking career at mag-advance acting workshop ako para "peanut" as in "mani" na lang ang acting sa kanya kahit i-require pa siyang lumuha ng isang "timbang tears."

Pag inuna niya ang kabaliwan niya sa aktor eh baka lalong mawaley ang kanyang career.

Ayoko na munang humashtag, kasi baka "mag-magic" ang lola nyo.