Sarah Geronimo defends The Voice Coach Lea Salonga

Sarah Geronimo’s music video of “The Glow” to air on December 6 on Disney Channel.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/6/2014 5:24 PM
Sarah Geronimo defends The Voice Coach Lea Salonga


120614-sarah_main.jpgSa report sa TV Patrol, masayang masaya si Sarah Geronimo dahil ngayon, December 6, ay mapapanood na sa Disney Channel ang recording niya ng “The Glow.” Ang “The Glow” ay princess anthem na unang napanood sa Rapunzel noong 2011.
 
Ang kumanta ng Disney song ay isang dream come true para kay Sarah na akala niya noon ay isang “masyadong mataas na pangarap.” Teary-eyed pa raw siya nang una niyang mapanood ang kanta sa Rapunzel dahil “surreal” ito. Pero ngayon, natutuwa siya kasi siya ang napiling kumanta ng english version ng “The Glow” sa buong South-East Asia.
 
Pinagtanggol rin niya ang kanyang co-coach sa The Voice na si Lea Salonga. Sinabi niya na “outspoken” lang si Lea kaya ito nagpahayag ng pagkadismaya sa nag-leak ng results ng Battle Rounds sa The Voice. Maging si Sarah ay “disappointed” sa nangyaring leakage.