• Home
  • Fresh Scoops
  • Jamie Rivera says she applied to do the official song of Pope Francis' Papal visit next year

Jamie Rivera says she applied to do the official song of Pope Francis' Papal visit next year

The singer says she hopes to attend the Pope's mass at the Quirino Grandstand.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/7/2014 12:10 AM
Jamie Rivera says she applied to do the official song of Pope Francis' Papal visit next year


120614-jaimie_main.jpgDumaan pa pala sa 'audition' si Jamie Rivera bago napili ang kanta niya para gawing theme song ng Papal visit ni Pope Francis sa bansa on January of 2015.
 
Hindi nahiyang inamin ng singer sa album launch ng We Are All God’s Children ng Star Music na nagprisenta siya at tinawagan pa ang ibang mga taong involved sa pagdating ni Pope Francis para sabihing interesado siyang gumawa ng kanta para sa naturang event.
 
“Actually, ako po ay nagprisenta, nu’ng malaman namin na Pope Francis will be arriving on January, I contacted Arch Vishop Soc Villegas and I asked if I can officially write the song for Pope, and he said you can write the song, you can give it to me, pero hindi ibig sabihin non, eh, ako na. Kailangan pa raw i-approve yon ng Vatican at ng committee na naka-assign para sa Papal visit.
 
“Hindi ko po alam kung may nag-submit na iba. Hindi ko po alam kung ano yung naging proseso, but ako po yung nag-apply. Nagbigay din po kami ng action video then after ilang weeks, tumawag na po si Arch Vishop Soc Villegas na it’s official, na ako na raw po yung gagawa ng kanta para sa Papal visit,” dagdag pahayag pa ng singer.
 
Ang kantang binabanggit ni Jamie na nagustuhan ng Vatican at ng CBCP ay ang We Are All God’s Children na siya mismo ang lumikha at kumanta.
 
“After two weeks of writing, of researching and reading and praying nabuo ko po yung kanta, I finished the song then nilagyan na po ng choreography,” patuloy pa ni Jamie.
 
Nai-share din ni Jamie na naging inspirasyon niya sa pagsulat ng kanta ang mga batang namamalimos sa kanya habang papunta siyang Greenhills at ang mga nakita niyang tao na natutulog sa gilid ng kalye.
 
Bukod sa We Are All God’s Children na nasa Papal visit album, may tatlo pang kanta dito si Jamie -- ang Our Dearest Pope, The Mission at Papa Francisco, Mabuhay Ka!
 
Nag-share din ng kanilang talent sa album sina Jed Madela at Angeline Quinto (On Eagles Wings), Liezel Garcia (Anima Christi), Janella Salvador (Give Thanks), Fatima Soriano (Lift Up Your Hand), Aiza Seguera (Lead Me Lord), Erik Santos (Lord, I Offer My Life To You), Juris and Robert Sena (One More Gift) at Morisette Amon (Take and Receive).
 
Wini-wish ni Jamie na mapasama siya sa napakalaking misa ni Pope Francis sa Quirino Grand Stand.
 
“May invivation na ako pero sa SM Moa Arena pa lang at sa UST. Pero gusto ko rin sanang makakanta do’n sa Luneta kasi yon yung parang big event talaga...
 
“Nung makita ko nga yung standy ni Papa, kinabahan na ako. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na siya in person.”
 
Hindi naman maiwasang makatanggap si Jamie ng pintas mula sa bashers sa social media dahil sa ginawa niyang kanta
 
“They are telling me to change the lyrics, change the words daw, kasi hindi raw biblical, ganun. Sabi ko, kailangan bang ganu’n? Kasi di ba we are all God’s children, pero bakit may isyu pang ganu’n,” paliwanag pa niya.
 
Magkaganun man, masaya ang singer na magiging bahagi siya ng isa sa pinakamalaking event sa Catholic religion.
 
“I am humbled by this experience. I felt so blessed na ang kanta ko ang gagamin kaya sobra akong nagpapasalamat kay Lord,” huling pahayag ni Jamie.