• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona thankful his mother network allowed him to promote #Y via Star Cinema

Elmo Magalona thankful his mother network allowed him to promote #Y via Star Cinema

The young star describes his #Y character as a loner like him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/7/2014 12:30 AM
Elmo Magalona thankful his mother network allowed him to promote #Y via Star Cinema


120614-elmo_main.jpgMasaya si Elmo Magalona na bida siya sa pelikulang #Y na ire-release ng Star Cinema at palabas na sa Dec. 10. Sa poster, kitang-kita kung gaano kalaki ang mukha niya compare sa ibang cast ng pelikula.
 
#Y is under the direction of Gino Santos at kasama ni Elmo sa pelikula sina Sophie Albert, Kit Thomson, Slater Young, Chynna Ortaleza at Coleen Garcia.
 
The movie will take a peek into the lives of upper class, modern day youths pero kahit sinong kabataan ay pwede raw maka-relate sa pelikula.
 
“Same emotions lang naman ang ipinapakita ng tao whether you’re mayaman or mahirap. My character in the movie is Miles, a young man who is seriously contemplating suicide,”  Elmo said during the presscon.
 
Hindi nagkaroon ng second thought si Elmo accepting the role kahit na medyo complex ito at parang laging nawawala sa sarili ang kanyang character.
 
“Yung character ko kasi sa movie, parang naka-relate ako sa kanya being a loner and parang slightly experiencing things like that din. Si Mike kasi, nagkukuwento siya sa mga friends niya, pero actually hindi siya nakaka-relate sa mga sinasabi nila... Parang magulo siyang mag-isip.
 
“Tapos nu’ng time ng mismong shoot, para maibigay ko yung right emotions, I tried to avoid them (the cast) talaga, ina-isolate ko yung sarili ko sa kanila,  inisip ko na mag-isa lang ako, na may sariling mundo,” kuwento ng binata.
 
Ayon kay Elmo, nagandahan siya sa istsorya ng #Y at nagalingan siya sa direktor nito kahit baguhan pa lang kaya niya tinanggap ang movie.
 
“The experience was really light for me doing this film. Si Direk Gino kasi, alam na alam nya yung direksyon ng movie, alam na alam nya yung gusto niya#Y ang gawin, yung the whole scope, idea and yon yung nagustuhan ko. Nung napanood ko yung film, super-sakto siya kung paano niya kinuwento sa amin... 
 
“The first reason naman kung bakit ko in-accept yung film is yung istorya talaga and yung role. I’m so happy naman na ganun yung outcome ng buong film,” kuwento pa niya.
 
Hindi naman naiwasang tanungin si Elmo kung anong pakiramdam niya na nakatuntong na rin siya finally sa bakuran ng ABS-CBN kung saan ginanap ang presscon ng #Y?
 
“Wala, teritryo ng ate (Maxene Magalona), eh... (laughs). No, but I’m reallly happy na Star Cinema got this film and pinayagan naman kami ng network namin to be a part of this... And I’m happy for that.”
 
Hindi ba siya naiinggit sa paglipat ng Ate Maxene niya sa ABS-CBN?
 
Napangiti lang si Elmo sa tanong sabay sabing  “I’m happy for her.”
 
Kumusta naman ang experience niya na makatrabaho ang Kapamilya at Kapatid stars?
 
“Masarap na meron kang iba-ibang nakakatrabaho. You learn from them, bagong experience, eh... Happy ako to be working with Coleen, Slater (ABS-CBN) and Sophie (TV5),” short answer ng binata.
 
Regarding her relationship with reel and real partner Janine Gutierrez, okey naman daw ang lahat.
 
“Yeah, we’re very much okey. Busy sa trabaho, busy sa taping ng show namin, but we both manage to spend time together kapag wala kaming ginagawa,” masaya niyang pahayag.