• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales will still sing Pangako Sa’Yo remake theme song

Vina Morales will still sing Pangako Sa’Yo remake theme song

Vina Morales shares how Direk Rory Quintos called her voice ‘timeless’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/5/2014 10:50 AM
Vina Morales will still sing Pangako Sa’Yo remake theme song


120514-vina_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, masaya si Vina Morales na siya muli ang napili para kantahin ang Pangako Sa’yo theme song para sa remake ng same titled serye na eere na sa Kapamilya Primetime ngayong 2015. Si Vina rin ang kumanta ng theme song ng Pangako Sa’yo 15 years ago starring Kristine Hermosa and Jericho Rosales. Nakausap diumano niya si Direk Rory Quintos at sinabi nito na “timeless” ang kanyang boses kaya siya muli ang napiling kumanta ng theme song.

 Kasama rin si Vina sa Metro Manila Film Fest entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo at sinabi niya na contemporary Filipino ang ginamit nilang language ng pelikula para maintindihan ito ng mga manonood. Isang Filipino-American na based in Los Angeles ang nag-direk ng naturang pelikula. Balik tambalan din sila sa pelikulang ito ni Robin Padilla na gaganap bilang Andres Bonifacio.

 Patungkol naman sa kanyang buhay pag-ibig, nagde-date diumano si Vina pero “hindi pa seryoso.” Mahirap daw kasi “magseryoso nang hindi pa sure” lalo na’t nasa edad na siya na dapat seryosong relationship na ang hinahanap. Gusto na rin daw magka-sister ng kanyang anak na si Ceana.