Jennylyn Mercado: 'All is well with me and Patrick'

The actress says she is happy with her son Jazz's relationship with his father Patrick Garcia.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/5/2014 10:59 AM
Jennylyn Mercado: 'All is well with me and Patrick'


120514-jennelyn_main.jpgSi Jennylyn Mercado ang 2015 Tanduay Calendar Girl at sa launching nito, ipinakita ang anim na sexy pictorials ni Jennylyn na iba-iba ang tema. Kampante naman si Jen sa nagging resulta ng pictorial na tinuturing niyang pinaka daring sa kanyang career.
 
Bago naganap ang pictorial pinakita muna sa akin iyung peg at alam ko naman ang limitations ko kung saan lang ako pwede, pumasa naman. Kasi once in a lifetime opportunity kasi habang kaya ko pa habang kaya pa ng katawan ko and meron pa naman di ba? Toned pa naman ang katawan ko.”
 
Wala naman worries kung ang kapakanan ng kanyang baby boy na si Jazz ang tatanungin, masyado pa daw ito bata para ipaliwanang ang kanyang latest project na ito.
 
Hindi ko pa ipinapakita hanggang ngayon. Hindi pa siya nagtatanong. As much as possible hindi kami nagpapakita or nagdi discuss sa kanya ng mga ganito kasi baby pa naman siya. Nakatago lahat ng sexy magazines, naka monitor ako sa lahat ng pinapanood niya, never pa sa news at sa soap opera.”
 
Sa personal life naman, nag post si Jen sa kanyang Instagram account ng picture nila na magkasama ng non showbiz wife to be ni Patrick Garcia, na ama ni baby Jazz.
 
Ayoko na I-kuwento kasi personal na namin 'yun. Ang importante ok na ang both sides iyung family namin at family ni Patrick happy ako na nangyayari yan ngayon kasi hindi ko naman siya hiningi hindi ko hinintay basta dumating na lang siya. Mahirap ang may dala-dala ka na sama ng loob tapos ngayon wala na ok na lahat.”
 
Single ngayon si Jen at ayaw niya daw bigyan ng full attention ang kanyang lovelife dahil dadating naman daw ito sa tamang pagkakataon.
 
Ayoko muna siguro hindi ko muna pinipilit din ang sarili ko kasi hindi pa rin naman ako handa sa dami kong ginagawa, boring pa. sa susunod na lang ako mag kuwento. Wala pa akong specific date kung kalian pa ako magiging handa basta ngayon ano lang ako masaya lang ako.”