• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano says he won't do a movie with Vilma Santos and Angel Locsin

Luis Manzano says he won't do a movie with Vilma Santos and Angel Locsin

The Voice host reveals he declined a project involving both his mom and girlfriend.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/4/2014 10:38 AM
Luis Manzano says he won't do a movie with Vilma Santos and Angel Locsin


120414-luis_main.jpgNagsalita na si Luis Manzano kung ano nga ba ang reason at tinanggihan niya ang pelikula na makakasama sana sa isang pelikula ang kanyang ina at Batangas Governor Vilma Santos at ka relasyon na si Angel Locsin.

Matagal na pinag isipan ni Luis ang kanyang desisyon at mas naging matimbang ang di pagtanggap sa pelikula.

“I really had to decline kasi para sa akin I’ll be working with my mom and my girlfriend, parang masyadong personal naman sa akin iyun. Kumbaga showbiz ako pero hindi ako showbiz, I treasure those relationships. Ang mommy ko naka trabaho ko na sa In My Life, yung angle na 'yun nagawa ko na. Kung kay Angel something episodic ok ako, pero para sa akin para ilagay na ang pagkatao ko talaga kasama ang mommy ko, kasama ang girlfriend ko, kumbaga that is a bit too much on my part.”

Noong una hindi rin daw ito nagets ni Ate Vi at Angel pero nang ipinaliwanag na ni Luis ang kanyang rason ay naintindihan naman daw siya kaagad ng dalawang importanteng babae sa buhay niya.

Hindi naman. Alam naman nila ang point ko. Noong una hindi nila maintindihan, sabi ko lets put it this way, sabi ko kayo you will be working with one aspect eh ako dalawa sa buhay ko makakasama ko na mapapaglaruan ng tao especially may mga tao na magko-comment at magsasabi na baka sabihin promo ang mga relationships ko sa kanila. Yun ang mga iniiwasan ko.”

Kung sino man ang second choice sa role na hindi tinanggap ni Luis, malaking challenge sa kanyang career ang makasama ang dalawa sa magagaling na aktres sa iisang pelikula.