• Home
  • Fresh Scoops
  • Exclusive: Is Kaye Abad willing to fight for the one she loves?

Exclusive: Is Kaye Abad willing to fight for the one she loves?

Kaye Abad also shares the status of her relationship with Paul Jake Castillo.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/4/2014 10:19 AM
Exclusive: Is Kaye Abad willing to fight for the one she loves?


120414-kaye_main.jpgNapakaepektibo ng portrayal ni Kaye Abad as Yvonne sa hit series ng ABS-CBN na Two Wives, na napapanood sa primetime bida. Hindi makapaniwala si Kaye na all-praise sa kanya ang mga taong nanonoodng teleserye.
 
Talaga ba? Nakakatuwa kasi ano, eh... Hindi ko naman in-expect ito, eh. Ang lagi ko lang kasing pinagdarasal talaga na maging maganda yung show, na mag-work talaga. Kasi sobrang kabado kami nung mag-start, si Erich (Gonzales) lang naman ang may pangalan sa amin tapos primetime pa kami, so, sobrang kabado talaga.
 
Siyempre, kasi, tingnan mo kung hindi ito nag-work, patay ang karir ko nito at ni Abalos (tawag niya kay Jason na gumaganap namang Victor sa Two Wives), balik kami sa pag-support. Kasi nga, pag di nag-work, ibig sabihin,’ay hindi pa sila pambida,” natatawa pero seryosong pahayag ni Kaye.
 
In real life, hindi raw siya kasing tapang ng character ni Yvonne sa Two Wives lalo na pagdating sa relasyon nila ni Paul Jake Castillo.
 
“Naku,hindi ako ganu’n. Malayung-malayo!” pag-amin agad ni Kaye. 
 
“Ako kasi, sa sarili ko ha, parang hindi ko na ipaglalaban pa yung relasyon namin kung ayaw na niya. Give-up ka na, ayaw na sa ‘yo, eh,” reaksyon pa niya.
 
Masaya ang aura ni Kaye dahil kaya niyang pagsabayin ngayon ang bonggang lovelife at career.
 
“’Yon nga, eh, sabi ko nga, too good to be true kasi sabi nila hindi mo makukuha lahat, either okay ang career mo o zero ang lovelife mo... so ganu’n.”
 
Eight months na ng relasyon nina Kaye at Paul Jake Castillo na nagsimula lang sa pagiging tropa.
 
“Akalain mo no? Parang kailan lang, tropa-tropa lang tapos eto na... (laughs)”
 
Businessman si PJ and somehow, iniimpluwensyahan na rin daw siya ng kasintahan na magtayo ng business.
 
“Takot ako sa ganyan (mag-invest), alam ni PJ ‘yon. Ako, ipon-ipon lang ang drama ko. Yung pagiging businessman niya, sa kanya na ‘yon, side na niya ‘yon.
 
“Kasi ayoko ng stress, kasi yung business, stress yan, eh. Kasi iisipin mo kung paano magwu-work, ganyan. Sa nakikita ko kay Paul Jake, ay grabe yung stress niya. So, ayoko ng ganu’n,” she said.
 
Pero kinukumbinse pa rin daw siya ng boyfriend na magsimula kahit sa maliit lang na negosyo.
 
“May sinasabi siya sa akin, parang small business lang daw. Magtayo daw kami ng bakery. Sabi niya, ‘ano, gusto mo ?’ Ang sabi ko lang, ‘sige.’ Pero hindi ko alam. Hahaha. Bahala na.
 
“Kasi di ba, stress ang pumapatay sa tao... Ayoko ng gan’un,” paliwanag pa ng aktres.
 
Samantala, ayaw namang kumpirmahin ni Kaye ang balitang tatagal pa hanggang February or March ang kanilang Two Wives. “Basta panoorin na lang nila kung hanggang saan kami aabot,” she said.