• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 2

Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 2

Push lists the showbiz stories that made the headlines this year

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/31/2014 11:07 AM
Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 2


123114-year_main.jpgMalaking bahagi rin ng 2014 ang proposals at kasalan sa pagitan ng showbiz personalities. Isa sa mga unang naglakad sa altar ngayong taon sina Karylle at Yael Yuzon noong buwan ng Pebrero na siya ring buwan ng magpakasal sina Iya Villania at Drew Arellano. Beach wedding naman ang naging tema ng kasalan nina Kim Jones at Jericho Rosales na siya ring naging tema ng kasal nina Bianca Gonzales at PBA Cager na si JC Intal. Ikinasal din muli ngayong taon ang veteran actress na si Boots Anson Roa kay King Rodrigo. Garden wedding naman ang para kay Amy Perez at news reporter na si Carlo Castillo. Binansagan naman na “Royal Wedding” ang naging kasalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na naganap nitong December 30. Bago ang mismong kasalan, ilang bridal showers ang ginawa para kay Marian sa dami ng kanilang mga kaibigan.

Sa taon din na ito naganap ang proposals sa pagitan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero na ikakasal ngayong Pebrero 2015 at sa showbiz couple na sina Isabel Oli at John Prats.

Nagluksa rin ang showbiz sa pamamaalam ng ilang kasamahan. Ang ina ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai De las Alas at ang ama ng songbird na si Regine Velasquez ay pumanaw ngayong taon. Nabigla rin ang lahat sa aksidente na kumitil ng buhay ng comedian na si Tado Jimenez. Maaga naman na biyudo si Wowie De Guzman sa pagpanaw ng kanyang asawa. Ang comedian na si Tiya Pusit, nagging matibay sa pakikipaglaban sa kanyang sakit sa puso pero namaalam na rin ngayong taon. Nagluksa rin ang Cuneta family sa pagpanaw ng ina ni Sharon Cuneta na si Elaine.

Kung may mga namaalam, may mga nadagdag din sa mundo ng showbiz. Sa taong ito isinilang ang panganay nina Melai Cantiveros at Jason Francisco, nina Ara Mina at Bulacan Mayor Patrick Meneses, at nina LJ Moreno at PBA player Jimmy Alapag. Buntis naman ngayon ang celebrities na sina Cristine Reyes, Melissa Ricks, at Dimples Romana.

Patuloy pa rin ang pagsikat ng mga Pinoy sa international scene ngayong taon. Una na dyan si Rachelle Ann Go at iba pang mga pinoy na kasama sa bagong production ng stage musical na Miss Saigon sa West End na unang ginampanan ni Lea Salonga. Sa special show na naganap para sa celebration ng 25 years ng musical, nagbalik entablado si Lea at nakipag duet kay Rachelle Ann. Hindi rin nagpahuli ang singer-actor na si Mark Bautista na pasok sa lead cast ng stage musical na Here Lies Love sa West End stage. Ang pop princess na si Sarah Geronimo, nag record ng kantang “Glow” para sa Disney Productions.

Hoping ang lahat sa mas masigla at makulay na showbiz para sa darating na taon ng 2015. Hindi maiiwasan ang gulo, scandals at issue, dahil ito ang nagbibigay anghang sa ibat ibang eksena ng local showbiz.