• Home
  • Fresh Scoops
  • Rommel Padilla misinterpreted by fans when he adviced son Daniel to prioritize his career

Rommel Padilla misinterpreted by fans when he adviced son Daniel to prioritize his career

Rommel says he's not meddling in Daniel's 'relationship' with Kathryn.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/31/2014 4:34 PM
Rommel Padilla misinterpreted by fans when he adviced son Daniel to prioritize his career


123114-daniel_main.jpgKaagad na nilinaw ni Daniel Padilla ang naging pahayag ng tatay niyang si Rommel Padilla tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ng ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.
 
“Para lang naman ang sinabi ni Erpat. Hindi pa siya sigurado do’n,” paglilinaw agad ng Teen King.
 
“Ako lang ang makakasagot niyan… Hindi pa talaga. ’Di nga puwede. Di pa puwede. Let’s wait,” pahayag ulit ng aktor.
 
May advice naman si Rommel kay DJ tungkol sa lovelife nito.
 
“Lagi kong sinasabi, di lang kay DJ, kundi sa lahat ng mga anak ko na ang ipa-prioritize nila is yung karera nila. Ginagawa ko na ngang example ang sarili ko, eh. Kasi nu’ng time no’, wala akong inatupag kundi ang mag-girlfriend nang mag-girlfriend, nakalimutan ko kung ano yung kinalalagyan ko…
 
“So lumungkot yung karera, di ba? Naging pabaya ako. So, ngayon ako bumabawi dito sa aking mga anak. Advantage sa kanila dahil nandito pa ako, si Tito Robin nila,” diretsong pahayag ni Omeng.
 
Ang naging pahayag ng ama ni Daniel ay nabigyan ng ibang kahulugan ng Kathniel fans.
 
“’Yon nga, eh, na-misinterpret nila yung sinabi ko na kailangan munang isakripisyo ang pag-ibig, na dapat may disiplina… na-misinterpret yung aking pagbibigay ng advice, na parang ang dating ay pinipigilan kung umibig ang anak ko.
 
“Ni minsan, kahit sa panaginip, hindi ko pakikialaman ang lovelife nila at kung saan sila masaya,” katwiran pa niya.
 
Ayon pa sa kanya, boto siya kay Kathryn na maging kasintahan ni Daniel.
 
“Kay Kathryn, magaan ang loob ko sa batang ‘yan… At saka, sabi ko nga, wala akong karapatang mangialam sa magiging desisyon ng anak ko (Daniel), kasi buhay niya ‘yon, eh. Basta nandito lang ako lagi para suportahan siya,” dagdag pahayag pa niya.
 
Nagbuhos kamakailan si Daniel sa interview ng Push.com.ph tungkol sa kanyang bashers na hindi siya maintindihan at ayaw tumigil ng pamba-bash sa kanya at sa kanyang pamilya. Mabuti na lang daw at humupa na ang mga ito ngayon.
 
“Wala nang masyado,” balita ni Daniel. “Nagpapasalamat ako na siguro, marami sa kanila ay naiintindihan ang ibig kong sabihin,” masaya niyang pahayag.
 
Pinaghahandaan na ngayon ni Daniel ang taping para sa remake ng Pangako Sa ‘Yo series na pagbibidahan nila ni Kathryn sa 2015. Siya rin ang kumanta ng themesong nito na kaagad naging viral sa internet.
 
Bukod sa Pangako Sa ‘Yo, muli ring magsasama sina Daniel at Kathniel sa isang pelikula ng Star Cinema na malapit na ring simulan.
 
Posible ring gawin ni Daniel sa 2015 ang Gregorio del Pilar na ipo-produce ni Robin at ng tatay niya. Nasa 50% na raw ito ng pre-production at yung remaining 50% ay pinag-uusapan na lang ang budget.
 
Samantala, palabas pa rin ngayon ang pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo kung saan isa si Daniel sa mga bida kasama ang Tito Robin niya. Nanalo ng Best Picture ang Bonifacio sa katatapos lang na MMFF Awards Night.