John Estrada says he and Jake Cuenca remain friends

The actor reacts on rumors that things are not okay with him and fellow Ikaw Lamang star Jake Cuenca.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/31/2014 4:22 PM
John Estrada says he and Jake Cuenca remain friends


123114-john_main.jpgSiguro naman after ng mga bagong pahayag ni John Estrada tungkol sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actor Award sa PMPC Star Awards for TV para sa teleseryeng Ikaw Lamang ay matutuldukan na ang isyu sa kanila ng co-actor sa series na si Jake Cuenca.
 
Inihalintulad ni John sa boksing ang pagkakapanalo niya ng Best Supporting actor trophy kahit pa para sa ilan ay malakas ang laban sa kanya ni Jake.
 
“Kunmbaga, parang boksingero lang ’yan, eh. Si Manny Pacquiao nga ay natatalo, ’di ba? Siguro, sa tingin natin napakagaling niya (Jake) at totoo namang napakagaling niya, pero natsatsambahan siya, eh.
       
“Kumbaga sa boksing, labanan ’yan, ’di mo puwedeng maliitin mga kalaban mo. So, I'm sure, hindi naman ganun ang ano ni Jake, baka nadala lang ng pressure,” paliwanag ni John nang makausap namin sa presscon ng Tragic Theater kamakailan.
 
Nagkaroon ng sagutan sa print kung kaya lumala ang isyu between John and Jake. On Jake’s part, aminado ito na talagang nag-expect siya na mananalo kaya sobra siyang na-disappoint na hindi sa kanya napunta ang award.
 
Sabi pa nga nito sa hiwalay na interview, “It really hurts, but I learned my lesson na from now on, hindi na talaga ako mag-i-expect,” say niya.
 
May naging sagot naman si John na lalong nagpaigting ng isyu sa kanila.
 
“I’m sure, hindi siya ganu’n ka-happy sa akin,”  reaksyon niya. Idinagdag din niya na hindi raw dapat nag-i-expect si Jake ng award dahil magagaling din ang mga kalaban nito for that category tulad Christopher de Leon, Joel Torre, Eddie Garcia, Ronaldo Valdez and Tirso Cruz III.
 
Sa pagpapatuloy ng interview naming kay John, idinagdag niyang wala silang problema ni Jake.
 
“Kaibigan ko si Jake, I like Jake. I always tell him during tapings namin (Ikaw Lamang) na, for me, this is his best performance ever. In-acknowledge ko ’yun.
 
“Now, nung ako ay nanalo, na hindi ko naman talaga ini-expect, ano ba ang sasabihin ko, thank you ba o natsambahan ko lang?
 
 “Anybody kasi can win that, eh. I'm just so blessed and lucky enough na sa akin ibinigay, wala akong magagawa,” confident niyang pahayag.
 
So far, nakaka-anim na acting awards na pala si John na patunay lang kung gaano siya kahusay na aktor. Ayaw man niyang aminin, pero sa tagal na rin niya sa showbiz industry, masaya siyang nare-recognize ng iba’t ibang award-giving bodies ang kanyang effort as an actor.
 
Gagampanan ni John ang role ng isang pari sa pelikulang Tragic Theater at ayon sa kanya, malaking challenge ito.
 
“Portraying a priest is new to me. Ha-ha-ha! Ibang-iba sa mga ginampanan ko noon,” sambit pa niya.