• Home
  • Fresh Scoops
  • Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 1

Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 1

Push lists the showbiz stories that made the headlines this year

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/30/2014 12:51 PM
Showbiz 2014: Trending stories of love, scandals, and hot issues, Part 1


123014-yearender_main.jpg

Hitik sa issue, kontrobersya at maiinit na usapin ang mundo ng showbiz sa taon ng 2014.

123014-vhongscandal_main.jpg

Pinaka mainit ang issue na kinasangkutan ng It’s Showtime host na si Vhong Navarro na naganap noong Enero nang makabangga ni Vhong ang grupo ni Cedric Lee dahil sa diumanong panggagahasa kay Deniece Cornejo. Umabot sa korte ang issue at matagal na sinundan ng media hanggang sa maibasura ang kasong panggagahasa laban kay Vhong.

123014-billyscandal_main.jpg

Pinagusapan din ang insidente na kinasangkutan ni Billy Crawford na nakulong sa isang presinto sa Taguig dahil sa pagwawala nito. Sa mga panayam kay Billy, sinabi niya na dala daw ito ng stress na sinuportahan naman ng kanyang girlfriend na si Coleen Garcia.

123014-cocoscandal_main.jpg

Ang glamorous fashion show na The Naked Truth, naging bangungot para kay Coco Martin dahil sa mga negatibong reactions na nakuha sa pagrampa niya na may hila hilang babaeng modelo. Humarap si Coco sa media at humingi kaagad ng dispensa at nangako na tutulong sa advocacy na tutulong para sa kababaihan.

123014-danielscandal_main.jpg

Ang teen king na si Daniel Padilla ay hindi rin nakalusot sa maiinit na issue. Kung trending at naging mainit ang kanyang career ngayong 2014 kasama ang teen queen na si Kathryn Bernardo, mainit din na pinag usapan ang kumalat na audio recording ni Daniel tungkol sa co-star na si Jasmine Curtis Smith. Agad din na humingi ng paumanhin si Daniel sa kanilang fans.

123014-chardzion_main.jpg

Sa taon din na ito inamin ni Richard Gutierrez na isa na siyang ama sa reality series kasama ang kanyang pamilya. Ipinakita rin ang larawan ni baby Zion sa unang pagkakataon at ang naging kuwento ng pagmamahalan nila ng aktres na si Sarah Lahbati.

123014-sarahmatteo_main.jpg

Nabigla naman ang lahat sa pag-amin ni Sarah Geronimo na magka-relasyon na sila ni Matteo Guidicelli. Hanggang ngayon, mailap sa pagbibigay detalye ng kanilang relasyon sina Sarah at Matteo pero madalas naman na nakikita magkasama sa mga showbiz gatherings.


123014-angelluis_main.jpg

Naging usapan din ang pagbabalikan ng dating magka relasyon na Angel Locsin at Luis Manzano. Going strong ang kanilang samahan hanggang ngayon at lagi ng naitatanong kung kailan ang plano ng pagpapakasal.

123014-kristek_main.jpg

Nabitin naman ang fans sa hindi natuloy na relasyon sa pagitan ng Queen of All Media Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

123014-freddie_main.jpg

Naging maingay naman ang 2014 para sa lovelife ni Freddie Aguilar ng makarelasyon at pakasalan ang noon ay menor de edad na girlfriend. Pinaka apektado sa issue ang anak ni Ka Freddie na si Maegan Aguilar na nauwi sa paglalayas nito sa kanilang bahay.

123014-gretaclaumar_main.jpg

Hindi pa rin natapos ang mga issue sa pamilya Barretto. Sa mga interviews kay Gretchen, Marjorie at Claudine, marami pa ang mga problema at ‘di pagkakasundo na kailangan ayusin sa pagitan ng kanilang pamilya.