• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista: ‘I want him to remain a part of my life’

Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista: ‘I want him to remain a part of my life’

Kris Aquino explains why Mayor Herbert Bautista paid her a visit at her house.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/30/2014 10:39 AM
Kris Aquino on Mayor Herbert Bautista: ‘I want him to remain a part of my life’


123014-kris_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, ipinaliwanag ni Queen of All Media and host Kris Aquino kung bakit biglaang dumalaw noong gabi ng December 28 si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa bahay niya sa kalagitnaan ng Thanksgiving mass na ginaganap doon.

Ayon kay Kris, sana ay ‘wag lagyan ng kahulugan ang pagdalaw na iyon ni Mayor Bistek dahil isa lamang itong dalaw ng isang kaibigan. Para kay Kris, isa itong paraan ng pag-sorry ni Mayor Bistek sa kung ano man ang nangyari sa kanila at isa na rin daw itong pagpaparating ng mensahe na nandiyan pa rin siya bilang kaibigan for Kris.

Nagpaabot din daw ito ng concern ng magkasakit si Kris at nag-wish rin ng good luck bago ang showing ng Feng Shui 2. Nagpaalam din si Mayor Bistek na mag-lunch sa bahay ni Kris on Christmas Day at nag-“No” naman si Kris. Pinaliwanag ni Kris kay Bistek na babae pa rin siya at may meaning para sa kanya ang pasko kaya sa ibang araw na lang. Nagpadala rin diumano si Mayor Bistek ng dalawang kaing ng mangga sa bahay ni Kris.

Sa video na nakuha sa kanila kung saan sinabihan ni Kris na “echosero” si Bistek ay diumano sagot niya ito sa pagsabi ni Mayor Bistek na lalagpas na siya ng langit kung makikidasal pa siya sa Thanksgiving mass dahil tapos na siya magsimba.

Dagdag pa ni Kris, “I wanted the two of us to end up being friends.” Sa tingin diumano ni Kris pinatawad niya si Mayor Bistek dahil hindi niya kaya itong mawala sa buhay niya. “I want him to remain a part of my life. Friends until our dying day.”  Pagtatapos ni Kris, “he is one of my closest friends.”