Feng Shui expert predicts celebrities’ fate this 2015

Vice Ganda will have a complicated love life in 2015.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/30/2014 10:40 AM
Feng Shui expert predicts celebrities’ fate this 2015


123014-fengshui_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nagbigay ng predictions para sa ilang celebrity ang Feng Shui and Astrology expert na si Hanz Cua. Sinabi niya na strong ang pasok ng 2015 para sa mga pinanganak ng Year of the Pig o Boar katulad nila Kris Aquino, Daniel Padilla at Toni Gonzaga. Kay Kris sinabi niya na magiging maganda ang love life nito at may posibleng kasalan na magaganap para kay Toni. Kay Daniel naman ay wala daw mga atake o controversy na magaganap ngayong 2015.

Lucky rin ang color green sa 2015 at para sa mga year of the pig, kung kaya pinayuhan niya si Kris na isuot ang kulay na ito.

Para naman sa host na si Boy Abunda na pinanganak ng Year of the Dog, magkakaroon siya ng mga health problems kung kaya’t kailangang doble ingat at alaga siya sa kanyang kalusugan. Magiging strong din ang romantic relationship ni Boy sa taong 2015.

Para naman kay Vice Ganda na pinanganak sa Year of the Fire Dragon, magiging masalimuot ang kanyang love life pero magiging maganda naman ang 2015 para sa kanyang kalusugan at para sa kanyang karera, maging sa negosyo. 

Si Kathniel Bernardo naman at President Noynoy Aquino na pinanganak ng Year of the Rat ay magkakaroon ng isang prosperous 2015. Magkakaroon diumano ng maraming investment opportunities ang Pilipinas.