• Home
  • Fresh Scoops
  • Jasmine Curtis admits bad blood between sister Anne and boyfriend Sam Concepcion

Jasmine Curtis admits bad blood between sister Anne and boyfriend Sam Concepcion

Jasmine admits Sam Concepcion, Anne and her don’t hang out together

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

12/4/2014 12:32 AM
Jasmine Curtis admits bad blood between sister Anne and boyfriend Sam Concepcion


120314-jas_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, nalagay sa hot seat si Jasmine Curtis nang tanungin siya tungkol sa hindi pagkakasundo ng kanyang Ate na si Anne Curtis at ng kanyang boyfriend na si Sam Concepcion. Importante raw para kay Jasmine ang opinyon ni Anne at ng kanyang pamilya, kung kaya raw she tries “to stay in the middle.” Diretsa siyang tinanong ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino kung hindi gusto ni Sam at ni Anne ang isa’t isa at sinabi nito na “Let’s just say, we don’t all hang out together.” Okay naman daw para kay Sam at Anne ang ganitong set up. 

Nag-kwento naman si Kris na mga two years ago ay magkasama sila ni Anne at dumating si Jasmine. Nang malaman daw ni Kris na kasama pala ni Jasmine si Sam at nasa kotse lang ito, sinabi niya kay Anne na “kawawa naman, bakit hindi natin papasukin.” Isang makahulugang expression naman ng mukha ang sinagot ni Anne. 

Sinabi rin ni Kris kay Jasmine na, “Sam should make an effort” na magkaayos sila ni Anne dahil “your Ate will always be your Ate.” Sa tingin naman daw ni Jasmine ay, “he’s doing the best he can.” Wala rin daw kinalaman ang hindi pagkakauunawaan ni Anne at Sam sa mga nasulat noon na iringan sa pagitan ng dalawa. Nagiging “protectivesister lang daw si Anne kasi halos anak na ang tingin ni Anne kay Jasmine dahil si Anne diumano ang nag-aalaga sa kanya tuwing nagbabaskyon siya sa Pilipinas. 

Isa pang mainit na issue ang pagkakasangkot ni Jasmine sa “audio scandal” ni Daniel Padilla. Ayon kay Jasmine, mapalad pa rin siya dahil maraming tao ang gumabay sa kanya ng tama kung kaya nalaman niya noon ang tamang gagawin at sasabihin. Nag-reach out daw siya sa lahat ng taong involve sa pangyayari. Diretsa rin siyang tinanong ni Kris at Boy kung nakausap niya si Kathryn Bernardo at ang kanyang sagot ay, “Opo, I reached out to her.” 

Magkasama si Jasmine at si Daniel sa Metro Manila Film Fest entry na Bonifacio: Ang Unang Pangulo.