• Home
  • Fresh Scoops
  • Itchyworms excited to share the stage with Chris Brown on New Year's Eve

Itchyworms excited to share the stage with Chris Brown on New Year's Eve

The band is thankful for 2014's blessings and looks forward to a bountiful 2015.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/30/2014 12:31 AM
Itchyworms excited to share the stage with Chris Brown on New Year's Eve


123014-itchy_main.jpgIsa sa mga local bands na gumawa ng ingay ngayong 2014 ang Itchyworms dahil sa kanilang hit album na ”After All This Time” , malaking fan base at social media followers.

Magandang balita rin na kuwento ng Itchyworms members na sina Jugs Jugueta, Kelvin Yu, Chino Singson, Jazz Nicolas at Hadrian Cruz na sisimulan nila ng maingay ang 2015 dahil sa kasama sila sa New Year Countdown sa Philippine Arena kasama si Chris Brown.

“Hindi kami magkakasama noong Pasko, pahinga muna kami kasama ang mga pamipamilya, pero ngayong December 31, New Years Eve magkakasama kami sa Philippine Arena, may countdown doon, excited kami tumugtog kasi parang times three siya ng Araneta parang 55 thousand ang capacity noon tapos we will be playing with Chris Brown and that is something new for us.”

Thankful ang grupo sa lahat ng blessings na dumating at sana daw tumawid ito hanggang sa bagong taon

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumusuporta sa banda, nagpapasalamat kami sa kumukuha pa rin sa amin para sa mga shows at party nila mga events, sa lahat ng blessings at nagsu support sa amin”

Kailan lang, nagkaroon ng mini concert ang grupo para sa music video launch ng single na “Rainy Day” na binigyang direction ni Direk Alco Guerrero still under the album “After All This Time”. Parang isang pelikula ang music video dahil bida ang tandem nina Daniel Matsunaga and Maris na parehong galling sa PBB All In.

“One time na naka tambay si Direk alco sa Showwtime, nabanggit niya na naghahanap siya ng song for the Dan-Ris project sabi namin uy sakto may kanta kami na wala pa video so what if gawan mo ng video so iyun nangyari na. “

Hindi na bago sa isang music video from Itchyworms na may [ersonalidad na kasama dahil sa mga nakaraang music videos, nakasama na rin nila sina Jojo Alejar, Kim Chiu at Gerald Anderson, Diether Ocampo, Yayo Aguila and William Martinez at si Victor Basa.