• Home
  • Fresh Scoops
  • JC De Vera clears up issue about him wanting to quit show business

JC De Vera clears up issue about him wanting to quit show business

JC De Vera says that it would be impossible for him to quit showbiz because of overwork.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/28/2014 9:12 AM
JC De Vera clears up issue about him wanting to quit show business


122814-jc_main.jpgBahagi ulit si JC De Vera sa Shake, Rattle and Roll na pang-15 na sa series ngayong Metro Manila Film Festival. At sa kung ano ang pagkakaiba ng Shake, Rattle and Roll noon sa ngayon, “Mas nag-improve siya, mas pinalaki yung computer graphics, mas humabol sa level ng mga ginagawa ng horror ng iba so in-upgrade na talaga siya. Mas nag-evolve na talaga ang Shake, Rattle and Roll, mas lumaki.”

Sa darating na bagong taon, muling mapapanood si JC sa telebisyon sa seryeng Pasyon de Amor. Maganda ang naging takbo ng 2014 sa aspeto ng karera ni JC lalo pa at pareho siyang napanood sa dalawang matagumpay na seryeng, The Legal Wife at Moon of Desire kaya naman nang kamustahin siya ngayong patuloy ang matagumpay niyang karera sa paglipat niya sa ABS-CBN, “Definitely naging bigger talaga siya, mas naging pagod ako pero happy pagod yun. Masayang-masaya ako na hindi ako nakakapagpahinga, masayang-masaya ako na hindi rin ako nahihinto, continue lang yung blessings na dumadating sa akin, so masaya, masayang masaya ako. Yung buong 2014 very fruitful talaga siya.” 

Kaya naman sa isyung lumabas na diumano’y ayaw niya nang mag-artista at gusto na niyang tumigil sa showbiz dahil sa matinding pagod at sa demand na hinihingi ng industriya, natawa na lamang si JC at pinabulaanan ang balitang ito. “Hindi nga, gusto ko nga yung napapagod ako eh. Never ako humindi sa work and kung makikita niyo yung track record ko for the past 11 years hindi kayo makakarinig sa akin na nagreklamo ako o tumanggi ako sa work dahil ayoko lang. Hangga’t kaya kong magwork magtatarbaho ako and as long as nabibigyan tayo ng magandang opportunity, walang reason para huminto.”

At muling klinaro na wala itong katotohanan, “Never, never naman. Siyempre habang nakakakita ka ng magagandang opportunities siyempre ano lang, strike ka lang.”

At nang kamustahin ang love life ni JC, hindi naman niyang itinnagging may nagbibigay ng inpisrasyon sa kanya ngayong panahon ng kapaskuhan. “Hindi mo masabing nililigawan pero meron tayong nilolook forward na makita at makasama. Hindi na nagsalita si JC kung taga-showbiz din ang kanyang tinutukoy. Aniya, “Malalaman niyo, malalaman niyo. Hindi naman ako yung nagtatago kapag sa ganyang aspect. Kung wala talaga kayong makita, wala talaga. Pero this time, kapag may nakita kayo, may nangyayari na rin sa akin.” Ayon sa kanya, hinihintay niya lang ang tamang oras dito, “Right time, yung proper timing ng lahat ng bagay. So nag-aantay lang naman.”