• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre on James Reid having a girlfriend: “Wala namang problema sa amin yun’

Nadine Lustre on James Reid having a girlfriend: “Wala namang problema sa amin yun’

Nadine Lustre reacts to news linking James Reid to Kim Chiu’s sister, Twinkle.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/27/2014 10:00 AM
Nadine Lustre on James Reid having a girlfriend: “Wala namang problema sa amin yun’


122714-nadine_main.jpgSa pagiging opsiyal na kapamilya ni Nadine Lustre, inamin ng dalaga na hindi pa rin nagsisink-in sa kanya ang lahat-lahat lalo pa at sunod-sunod ang kanyang mga ginagawa. “Hindi po, kasi sunod-sunod po yung nangyari sa amin ni James [Reid], Diary ng Panget, tapos napunta ng ABS so hindi na po ako nagakaroon ng time na masink-in lahat. As in ngayon medyo nagugulat pa rin ako sa mga nangyayari.”

Maliban sa teleseryeng pinaghahandaan nila ni James para sa parating na bagong taon matapos ang matagumpay nilang Wansapanatym presents: My App Boyfie, isa din sa mga pinagkakaablahan nila ay ang pelikula nilang Para Sa Mga Hopeless Romantic na pagbibidahan nilang muli ni James kasama sina Iñigo Pascual at Julia Barretto. “Nakasama ko po sila once pa lang po eh. Wala po kaming scene na magkakasama pero magkakasama po kami sa shoot. Masaya naman sila lalo na si Inigo, medyo makulit siya.” 

Matapos ang dalawang blockbuster movies nila ni James na Diary ng Panget and Talk Back And You’re Dead, aminado si Nadine na naroon ang pressure at kaba sa kung ano ang magiging pagtanggap ng kanilang mga fans at manonood sa bago nilang pelikula. “Siyempre po meron pa rin pero sobrang ano naman po kami ni James, sobrang confident naman po kami kasi pinaghirapan po naming ito at binigay po naming yung best namin dito.”

Hindi na rin naiwasan pang hingan ng kumento si Nadine tungkol sa napapabalitang ugnayan ng kanyang ka-love team at ng kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle. “Actually hindi ko po alam. Sino ba nagsabi sa akin? Actually nagkaroon po sa Fashion Pulis or something ng ganun, hindi ko na siya tinanong. Hindi naman ako maiinvolve sa ganun, I mean alam naman niya kung paano ihandle yun so okay lang.”


122714-nadine_main.jpgKaya naman sa kabila ng balitang ito, lalo pa at napakalakas ng kanilang tambalan na maraming umaasa na magkaroon ng posibilidad na maging sila ni James sa totoong buhay, paano kapag nagkaroon ng ibang girlfriend si James? Wala bang magiging problema sa kanya? “Opo naman, definitely. Wala namang problema sa amin yun.”

Ngunit aminado si Nadine na maaring magkaroon ng halo-halong reaksiyon ang kanilang mga tagahanga kung sakaling magkaroon nga sila ng sari-sariling mga karelayson na labas ng kanilang tambalan, at hindi ba siya natatakot dito. “Well siyempre knowing our fans, may magrereact talaga pero sobrang solid naman sila. Parang nagiging positive na lang sila sa sinasabi nila na, ‘Okay lang yan, wala lang yan parang challenge lang yan, ngayon lang yan, mawawala din yan, okay.’”