• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid says the issue with Kim Chiu’s sister is a ‘misunderstanding’

James Reid says the issue with Kim Chiu’s sister is a ‘misunderstanding’

James Reid says that he is just being friendly with Kim Chiu’s sister Twinkle.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

12/26/2014 11:46 AM
James Reid says the issue with Kim Chiu’s sister is a ‘misunderstanding’


122614-reid_main.jpgSa naging panayam kay James Reid kamakailan lamang, ibinahagi nito na kahit ilang buwan na ang pagiging certified kapamilya niya, hindi pa rin nawawala ang kanyang excitement. “I am excited to work here in ABS-CBN and work with the big stars… Well, I am always a kapamilya and this is where I started and I would love to be in ABS.”

Matatandaang nagsimula si James bilang teen housemate sa Pinoy Big Brother hanggang sa siya nga ang hinirang na Big Winner na nasabing reality show.

Huling napanood si James Reid sa Wansapanatym Presents: My App Boyfie kung saan nakasama niya ang ka-love team na si Nadine Lustre at muli, kinumpirma niya na magkakaroon sila ng kasunod na serye ni Nadine. Aniya, “Yeah, it will be different, it won’t be a sequel [to My App Boyfie] or anything.” 

Sa susunod ding taon ay nakatakdang ipalabas ang pangatlo nilang pelikula ni Nadine na Para Sa Mga Hopeless Romantic kung saan makakasama nila ang bago ding tambalan nina Iñigo Pascual at Julia Barretto. “I haven’t been able to work with them actually. I have worked with Iñigo once before with Relax, It’s Just Pag-ibig but I am really proud to do a movie with them both.”

Ibinahagi din ni James na kumpara sa nauna niyang dalawang pelikula na ginawa, ibang-iba ang mapapanood ng tao sa kanya sa pelikulang ito, “So far it’s really good. It’s very different from my last two roles. My character’s so down to earth, more relatable. He is a simple UP student, very different then from the rich gangster, gangster lang but it’s going to be good.” 

Muli na rin niyang sinagot ang mga tanong sa pagkakaugnay sa kanya at sa kapatid ni Kim Chiu na si Twinkle na nagsimula nang lumabas ang balitang ito sa isang showbiz blogsite tungkol sa tunay na namamagitan sa kanila. “Nothing, we met each other a couple of times outside.” Itinanggi rin niya ang pagiging malapit nilang magkaibigan. “Not really friends but we know each other, common friends.”


122614-reid_main.jpgHindi rin sila umaalis umano ng solo lamang, at aniya nagiging palakaibigan lamang siya nang matanong kung ano ibig sabihin ng mga text messages na pinost ni Twinkle sa kanyang social media account. “Actually I don’t know, it’s up to her, I am just being friendly and I don’t know, it’s up to her.”

Itinanggi niya na rin sa mga naunang panayam sa kanya na nililigawan niya ang kapatid ni Kim at muling iginiit na hanggang sa ngayon ay wala siyang nililigawang sinuman. “No. I am not dating anyone at all”, at dinagdag na wala pa talagang plano na makipagrelasyon sa kahit na sinuman, “Right now, no. I am so busy I don’t even have time for myself, maybe next year.” 

Hindi na rin siya nagtaka na lumaki ang balita sa pagitan niya at ni Twinkle. “Well I guess, she’s the sister of Kim Chiu so it would get, what do you call it, blown up but yeah its really just a misunderstanding.” Ngunit sa kabila nito, natanong kung patuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa, “No I haven’t seen her in the longest time.” Ikwinento niya rin na nagkakilala sila dahil sa kaibigan niyang si Andi Eigenmann. “She is common friends with Andi, that is how I met her, because I am friends with Andi.” 

At sa kabila ng mga kontroberisyang ito, nananatili silang malapit na magkaibigan ng ka-love team na si Nadine. “Great, we are just close friends nothing greater for now because she is also so busy, we see each other every single day. We are so comfortable with each other.”