• Home
  • Fresh Scoops
  • Er Ejercito pays tribute to his ninong FPJ with "Magnum Muslim 357" Movie

Er Ejercito pays tribute to his ninong FPJ with "Magnum Muslim 357" Movie

The former politician says he hopes to make a movie at least once a year to help people in the movie industry.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/27/2014 1:58 AM
Er Ejercito pays tribute to his ninong FPJ with


122714-er_main.jpgAll systems go pa rin at kasama sa walong pelikula na ipinapalabas ngayon sa Metro manila Film Festival ang pelikulang Magnum Muslim 357 na remake ng isang classic movie ng Hari ng Pelikula na si Fernando Poe Jr.

“Ako po ay nagpapasalamat sa mga kapatid natin na Muslim dahil for the first time after 28 years nakapag shooting po ang isang pelikula sa loob ng Golden Mosque kaya salamat kay Allah. Isa kasi ito sa pinaka blockbuster na pelikula ng aking ninong sa kasal na si Fernando Poe Jr at ito ang aking pagbibigay pugay sa mga kapatid na Muslim at ipinapakita ditto ang kultura, kagandahan ng loob at katapangan ng isang Muslim.”

Bago magsimula ang MMFF kumalat ang balita na umatras na sa pagsali ang pelikulang ito at papalitan na ng mga naka stand by na projects sa listahan ng MMFF.

“Intriga lang ang usapin na hindi aabot ang pelikula naming marami lang talaga ang mababait na gumagawa ng ganyan na kuwento. I was getting Sam Pinto noon pa sa mga pelikula na ginagawa namin pero sobra siyang busy kaya masaya ako na nagsama kami sa project na ito. Ibang iba siya dito, hindi siya sexy dito, balot na balot siya dito.”

Wala ngayon sa posisyon si ER pero imbes na malungkot, positive siya sa mga nangyayari ngayon sa kanya at sa kanilang pamilya.

“Blessing siguro na pinagpahinga ako ng Diyos sa public service sa 9 years na Mayor at 4 years na Governor, mas nakapag focus ako ngayon sa pamilya at sa pelikulang ito. Pareho pa rin naman ang buhay ko, Mayor pa rin ng Pagsanjan, laguna ang wife ko si Mayor Maita Ejercito na kasama rin sa pelikulang ito, tumutulong ako sa Pagsanjan at umiikot pa rin sa probinsya ng Laguna kapag may pagkakataon.”

Kahit isang pelikula sa isang taon, itutuloy pa rind aw ni ER ang paggawa ng projects bilang ambag sa local movie industry lalo na sa movie workers na umaasa sa paggawa ng pelikula.

“Abangan niyo ang next project na plano naming gawin next year, isa na naman classic remake ng pelikula ni Da King FPJ, Ang Aguila at ang Lawin. Once a year ang pag gawa ko ng pelikula para makatulong sa movie workers at sa industry.”