Young actor may taga-sustento?

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

12/26/2014 7:54 AM
Young actor may taga-sustento?


122614-ogie_main.jpgAy, ang bongga naman pala ng isang guwapong young actor. Kahit pala wala pa siyang project at matagal-tagal na rin yung huling teleseryeng nilabasan niya ay hindi naman siya yung tipong nate-tense pa rin kung saan kukunin ang mga pang-araw-araw niyang pangangailangan at mga gastusin sa mga monthly bills. 

Kasi eto na nga. Lihim lang to ha? Lihim siyang may gay benefactor na non-showbiz na parang ginagawa lang Cubao ang pagpapabalik-balik abroad.

Ang bading na ito rin daw ang dahilan kung bakit walang kamalay-malay ang sexy star girlfriend niya na bigla niyang inisplitan.

Na ang rason lang daw ng damuho ay priority niya ang kanyang career, pero sa ibang friends, ang nirarason niya ay tapos na kasi sila mag-sex kaya ayaw na niya.

Pero ang totoo pala, pinagbantaan na siya ni Gay Benefactor na 'pag hindi ito binitiwan ni actor ay maghahanap na nang ibang susustentuhan ang bading. 

Kaya ayun na nga ang nangyari. Pinili ni bagets si bading over his girlfriend na hanggang ngayon ay may ngitngit sa kanya.

Sabi nga ng aking source, "Hindi pa naman artista yan, kung kani-kaninong bading na siya nakikitulog at sumasama. So sanay na siya sa easy money.

"Nakilala lang kasi dahil sa isang contest, kaya ayan, tumaas ang premium niya sa bading as in malalaking amount na ang bigay sa kanya."

O at least naman, mataas na ang lipad ng batang ito pagdating sa pakikipagnegosasyon sa bading di ba?